Chapter 8

141 8 1
                                    

"HOY, day! Nasa'n na 'yong chocolates?" tanong sa kaniya ni Stephen habang tinutunton nila ang daan papuntang elevator.

Natapos ang lunch nila na puro panunukso sa kaniya kay Ace. Nahihiya na nga siya sa lalaki na wala nang ginawa kung 'di ang maki-ride-on sa kalokohan ng mga kasama. Buti na nga lang ay tinawagan ito ni Spade.

"Kinain ko kanina sa biyahe. Nagutom ako, eh."

"Naku! Kung ako ang kasama ni sir kanina ay malamang hindi na ako makakaramdam ng gutom," palatak ni Stella. "Tingnan mo naman, itsura at katawan pa lang busog ka na."

Napangiwi siya nang sang-ayunan iyon ng mga kasama. Totoo naman, gwapo talaga si Ace. Ang OA lang talaga ng pagkakasabi ni Stella.

"So, naubos mo talaga? If I know kahit limang piraso no'n ay hindi mo kayang kainin." Stephen was skeptical. Pinagtaasan pa siya nito ng kilay.

"Nanghingi kasi si sir," aniya at nagpatiuna sa paglalakad. Pagkarating nila sa elevator ay siya na ang pumindot ng up button.

"Nagkaroon naman pala ng mini date." Ngingisi-ngisi pa si Raffy na nasa likuran nila.

"It's not a date!" she hissed.

Bumukas na ang elevator at nagpatiuna siya sa pagpasok. Stephen pressed the second floor button. Ito lang naman ang naiiba ang floor sa kanilang lahat.

"Eh, paano 'yon? Sinubuan mo si sir kanina ng chocolate?" nang-aasar na tanong ni Raffy na ikinatili no'ng tatlo.

Nasamid si Shen sa sariling laway. Kulang na lang ay isiksik niya ang sarili sa sulok ng elevator nang pagsusundutin ng mga ito ang tagiliran niya.

"Tumigil nga kayo!" saway niya sa mga ito pero hindi naman nagpatinag ang mga kasama niya.

"Walang hiya ka! Pantasya ko si Sir Ace, eh!" himutok pa ni Stephen.

"Obvious naman na hindi ka type. So, stop na, day!" ani Stella na nakangisi pa. Natawa pa ito nang irapan ni Stephen.

She rolled her eyes. Dapat pala tinanggihan na niya si Ace kanina na ihatid siya sa St. Thomas. But she can't say no to him. Her boss is so dominating in so many ways.

The elevator stopped at the second floor. Muli pang nagpaalam sa kanila si Stephen bago ito lumabas ng elevator. Silang apat na lang ang natira sa loob at walang tigil sa kakausyuso ang mga ito sa kaniya.

"Ano ba ang feeling na kasama mo si sir sa loob ng kotse?" ani Cassie na ang lapad ng pagkakangisi.

"Sinubuan mo ba siya?" tanong ni Stella na napapahagikhik pa. "O nagsubuan kayo."

"Nag-make out na ba kayo?"

Halos matumba siya sa tanong ni Raffy. "Ba't naman kami maghahalikan!?"

"Kasi nga halata naman na gusto ka ni sir." Nagkibit-balikat pa si Raffy. "Ayaw lang no'n aminin na ikaw 'yong sinasabi niya."

Napairap siya sa mga ito. Lintek! Kung ganito rin lang naman ang mararanasan niyang kahihiyan ay hindi na siya lalapit pa sa boss nila.

At gustong pumalakpak ni Shen nang huminto at bumukas na ang elevator. Natawa pa ang mga kasama sa kaniya nang magpatiuna siya sa paglabas.

"Shen niyo, pikon na," pang-aasar ni Raffy na ikinatawa ng dalawang babae.

Sa halip na gantihan ito ay mas binilisan pa niya ang paglalakad. Tama na ang pang-aasar ng mga ito sa kaniya.

Ngunit natigilan siya nang makarating sa kaniyang cubicle. On top of her desk, may dalawang box doon ng chocolate. Kaparehong brand sa mga natatanggap niya. Pero walang boquet of roses. Which is very unusual. Masyado siyang nasanay na may kasamang bulaklak ang mga chocolates na ibinibigay sa kaniya ng secret admirer.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon