Chapter 9

130 10 0
                                    

NANG gabi ring iyon ay mas inabangan ni Shen si Third sa kaniyang bintana. Alas sais pa  lang ay nag-dinner na siya para mas maantabayanan itong secret admirer niya. She even kept her phone on her hand. Baka may tumawag na naman at maisahan siya ng lalaki.

She took a glance on her wrist watch. Pasado alas otso na. Wala pa ring nagdo-doorbell. At wala rin siyang mamataan na tao na umaaligid sa labas ng kaniyang gate. Napakagat-labi siya sa lamig ng simoy ng hangin. Mukhang uulan pa yata, aniya sa isip.

Panay ang sunod ng tingin ni Shen sa mga taong napapadaan sa tapat ng kaniyang apartment, nagbabakasakaling isa sa mga iyon ang hihinto at magsasabit ng paper bag sa gate niya. Kung noon ay bale-wala lang sa kaniya ang ginagawa nitong pagpapadala ng mga bulaklak at chocolate, ngayon ay hindi na. At this moment, she's now eager to know the identity of Third.

Paano na lang kung tama si Raffy na baka psychotic ang secret admirer niya? Or what if Stephen's speculation about Diego was true? She sighed. Kaibigan na ang turing niya kay Diego. At kung totoo man ang sapantaha ni Stephen ay kailangan niya itong makausap ng masinsinan.

Agad siyang napatayo sa kinauupuan nang makitang may huminto sa tapat ng gate. May dala itong malaking plastic bag. Halos mabingi rin siya dahil sa lakas ng pagpindot nito ng doorbell. Her eyes narrowed when she recognized who it was.

"Ramon?" wala sa sariling tanong niya. Kapit-bahay niya ang binatilyong si Ramon. Sa pagkakaalam niya ay nasa Canada ang tatay nito na matagal na ring hindi nakakauwi.

Napagdesisyunan niyang pagbuksan ang binatilyo nang muli pa nitong pindutin ang doorbell. Kahit nasa bukana na siya ng kaniyang apartment ay panay pa rin ang pindot nito ng doorbell.

"Ramon, bakit?" Salubong niya rito nang buksan ang gate. Dumako ang tingin niya sa dala nitong plastic bag na may mga food container.

"Ay! Magandang gabi po, ate!" kakamut-kamot sa ulo na bati ni Ramon. Agad din nitong iniabot sa kaniya ang dalang plastic bag. "Pinabibigay po pala ni Mama. Handa po kasi dumating na si tatay galing abroad."

Ngiting-ngiti si Shen nang tanggapin ang plastic bag. Sinilip pa niya ang laman niyon. "Naku! Pakisabi kay Aling Maring na salamat. Pakibati na rin ako kay Mang Tonyo."

Kumaway pa sa kaniya si Ramon bago ito umalis. Muli pa niyang sinilip ang laman ng plastic. Halos limang malalaking food container din ang laman niyon.

Pumihit siya para bumalik na sana sa loob. Hindi pa man siya nakaka-limang hakbang nang muling may mag-doorbell. Ganoon na lang ang pagtahip ng dibdib niya habang marahang lumingon sa gate.

And there... she saw again the familiar pink paper bag. May nakalitaw roon na mga mapupulang rosas. Dagli niyang nilapitan iyon at agad na binuksan ang gate. Nagpalinga-linga pa siya sa kalsada. Pero wala siyang makita na malapit sa kaniyang apartment. Tanging mga huni lamang ng kuliglig ang pumapailanlang sa tahimik na kalsada. Mangilan-ngilan din ang mga motoristang paroo't-parito.

Nagtindigan ang mga balahibo niya sa biglang pagdaan ng malamig na hangin. Agad niyang kinuha ang nakasabit na paper bag at nagmamadaling ni-lock ang gate. Halos takbuhin na niya ang main door sa sobrang pagmamadali. Kahit na ang dami niyang dala ay nagawa pa rin niyang makarating sa salas na hindi man lang natatapilok.

She immediately put the plastic bag on the floor. Mabilis pa sa alas kwatrong binutinting niya ang laman ng paper bag. It's the same flowers and chocolates, isang box ng chocolate. But she's looking for something...

The sticky note!

Inisa-isa na niya ang bawat tangkay ng mga bulaklak pero hindi pa rin niya makita ang hinahanap. Kahit sa paligid ng box ay walang nakadikit na papel. Naka-seal ang box, pero binuksan niya pa rin iyon. Wala rin sa loob. Maging sa loob ng paper bag ay wala rin.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon