Chapter 10

131 10 0
                                    

"ANG tagal naman ng lunchbreak!"

Napaismid si Shen sa atungal ni Stella. Eh, limang minuto na lang naman ay malapit nang mag-lunch break. Kung siya lang ay ayaw na niyang sumapit ang alas dose. Nagsisisi siyang inimbita niya si Ace. Nasisiguro niyang aasarin na naman siya nina Raffy.

"Ang bilis um-oo sa'yo ni Sir Ace, 'no? Madali na talaga akong maniwala na type ka no'n."

"Tigilan mo nga ako, Stella!" she hissed. "Tsaka boss natin 'yon. Nakakahiya pa naman 'yong mga pinagsasasabi ninyo no'ng nakaraan."

Nag-make face pa si Stella bago bumalik sa ginagawa nito. Samantala, nagpahalumbaba si Shen sa kaniyang desk. Bukod sa marketing strategy na tinatrabaho ay tumutulong din siya sa paggawa ng marketing campaign. She needs to extract her ideas. Target niyang mapa-impress ang mga big boss sa quality of work niya. Nasisiguro niyang makukuha na niya ang inaasam na promotion.

Ngunit natigil siya sa pag-iisip nang may bumagsak na patung-patong na mga folder sa kaniyang desk. Pag-angat niya ng tingin ay isang nakasimangot na Kristie ang taas-noong nakatitig sa kaniya. Agad siyang napatuwid ng upo. Pinagtaasan pa siya nito ng kilay.

“Ano? Tutunganga ka na lang?” asik nito sa kaniya. “Oras ng trabaho, Shen!”

“Sorry po,” labas sa ilong na sagot niya. Pasimple niyang kinuha ang nakaibabaw na folder saka iyon binuklat-buklat.

“Do the reports immediately. I need it by next week,” pagkasabi niyon ni Kristie ay agad itong nag-martsa pabalik sa opisina nito.

She mimicked what that woman said at inis na binulatlat ang binabasang folder. Napataas ang kilay niya nang makita ang laman niyon. Pinapagawa lang naman siya ng reports na trabaho dapat nito. Talagang sinasagad siya ng babaeng ‘yon. Walang gana niyang initsa ang folder sa desk saka nagpaikot-ikot sa kaniyang upuan.

Bahagyang sumilip si Stella sa cubicle niya. "Ano 'yon, 'day?"

"Bwiset talaga 'yong Kristie na 'yon! Pinapagawa ako ng reports! Eh, hindi ko naman 'to trabaho!" she squealed. Napasabunot pa siya sa nakalugay niyang buhok. "'Pag ako talaga napuno... ugh!"

"Bakit? Ano'ng gagawin mo?" nakangising tanong ni Stella.

"Wala!" She grabbed the paper bag and immediately stood up. Lunch break na at tanging pagkain lamang ang makakapagpakalma sa kaniya.

Sa sobrang inis sa babae ay gusto niyang ipagkalat ang nalaman tungkol dito. But on the second thought, it might affect her job. Ini-inside job na nga siya ni Kristie, tapos gagatungan pa niya ang lihim nilang alitan.

Sinalubong siya ni Raffy na nasa hamba ng pinto. "Nandito na pala ang sponsor natin," ngingisi-ngising sambit nito. Kinuha nito sa kaniya ang paper bag na agad naman niyang binigay.

"'Wag mo akong simulan, Raffy!" pagbabanta niya na tinawanan lamang nito. Nagpatiuna siya sa paglalakad. Nakasunod naman sa kaniya ang dalawa.

"Oy, Stella. Alam mo ba 'yong case sa Hotel Krista sa Ortigas?"

Agad na nagtindigan ang mga balahibo niya sa tanong ni Raffy. She don't get it. Wala naman siya sa crime scene pero kung mag-react ang sistema niya sa tuwing maririnig ang pangalan ng hotel ay hindi niya maiwasang kabahan.

Maybe the thought of knowing that Diego's family owns the hotel makes her feel anxious. Tapos nili-link pa ni Stephen ang prime suspect sa secret admirer niya.

"Iyong ni-rape? Ang alam ko case closed na 'yon, ah?"

"Oo. Wala kasi silang mahanap na clue kung sino ang gumawa no'n. Kapit-bahay kasi namin 'yong pinatay. Nakakaawa nga 'yong mga naiwan niya."

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon