Chapter 5

167 8 0
                                    

THE meeting lasted for one and a half hour. Hindi maiwasan ni Shen na pagkiskisin ang mga palad sa kaniyang kandungan dahil sa bahagyang pagtahip ng dibdib. Ace was always taking a quick glance on her, na nahuhuli niya paminsan-minsan.

Hindi niya alam kung nag-i-imagine lang siya. Pero iyon talaga ang nakikita niya.

"So, let's end it here!" Ace exclaimed. "I will be expecting a complete presentation tomorrow. Dismissed."

Agad na nagsitayuan ang mga kasama niya para lumabas na ng conference room. Paalis na rin sana siya nang mag-vibrate ang cellphone niya. She fished it out from her pocket and opened the message.










From: Stephen

Day, kakagaling ko lang sa dep niyo. Nakita ko 'yong flowers and chocolates sa desk mo. Meet me at the coffee shop after work.










Ano kaya ang mayroon?

Tumipa siya ng reply ngunit hindi na iyon natuloy dahil sa pagtikhim ng nasa harapan niya. Halos mabitawan niya ang cellphone dahil sa gulat.

"S-Sir... kayo po pala." Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingala sa boss. Agad niyang ibinulsa ang cellphone.

"I really like your insights about our project," nakangiting papuri nito sa kaniya. "Impressive, really."

"S-Salamat po, sir."

"By any chance, may gagawin ka ba mamaya?" He rose the side of his lips. And he's so hot by doing that, she thought.

Shen twitched her lips. "May gagawin pa po ba mamaya tungkol sa project?"

"Wala naman na." He shrugged. "I just want to have a coffee with you since you're doing great earlier.

"Thank you po, sir," kiming sambit niya. She saw his wide smile when she said that. "Kaso po may lakad kami ng friend ko mamaya, eh."

"Oh, I see." His smile faded, but eventually formed his lips into a wide smile, again. "Maybe some other time?"

"S-Sige po, sir." Napayuko si Shen. She bit her lower lip when she realized something.

Gosh! Is he asking me out!?

Nagpaalam na siya sa boss at agad nang lumabas ng silid. Sheez! Ramdam niya ang bahagyang pag-init ng kaniyang mga pisngi. Her heart beats so fast. Hindi siya makapaniwala na inaya siyang magkape ng kanilang boss. Ayaw niyang mag-assume. Baka naman tungkol lamang sa trabaho ang pag-aaya nito? Pero iyon kasi ang nakikita niya.

Ace Amelincx was never seen out with a woman. Kilala ang boss nila sa pagiging strikto, na mas matindi pa kaysa sa kapatid nito. At hindi niya lubos maisip na magugustuhan nito ang ideya niya. At bukod pa roon, inaya siyang magkape sa labas!

Sapo ang kaniyang dibdib na sumakay ng elevator. Pasara na ang elevator nang may kamay na pumigil doon. Natigagal siya nang makita ang humahangos na itsura ni Diego na kagagaling lang yata sa pagtakbo.

"S-Shen..." Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. Tumikhim ito saka mabilis na pumasok sa loob.

Bahagyang napaatras si Shen upang bigyan ng espasyo ang lalaki. Si Diego na ang pumindot ng floor button at talagang nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila. Malaya niyang nakikita ang likod nitong tila tensyonado. Hindi naitago ng black sweatshirt nito ang pagtaas-baba ng mga balikat nito at ang marahas nitong pagbuntonghininga.

This is her chance to ask him; kung ito nga ba si Third. Nang dahil sa huling note nito at sa kwento ni Raffy ay na-trigger siyang alamin ang katauhan ng kaniyang secret admirer. Kung noon ay wala siyang pakialam, ngayon ay gusto na niyang malaman kung bakit hindi na lang nito ibigay sa kaniya ng personal ang mga regalo.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon