Chapter 14

111 6 0
                                    

"O! Nag-walk-out na naman!"

Shen rolled her eyes to what Stephen said. Paniguradong magsasalita na naman ang kaibigan tungkol sa mga theory nito patungkol sa lalaki.

"Baka naman may pupuntahan lang," nasabi na lang niya. Pero inismiran lang siya nito.

"May pupuntahan? Eh, tayo nga ang kasama no'n. Tsaka, andito rin naman sina Rex at Arnold." Sumimsim si Stephen sa baso nito. "Just accept the fact na nag-walk out si Diego dahil sa sinabi ni Sir Ace."

Ayaw na niyang bigyan ng ibang kahulugan ang mga ikinikilos ni Diego. Ni hindi pa nga nila ito nakakausap tapos hinuhusgahan na nila. It's really unfair for Diego's part, lalo pa't mabigat ang hinala rito ng kaibigan.

"Ano kaya kung kausapin ko na lang siya?"

Nasamid si Stephen sa suhestiyon niya. "Gosh, day! Hindi ka nga kinakausap, 'di ba? Do you think he will spill the tea? I doubt that."

Sa halip na makipagsagutan kay Stephen ay nagkasya na lamang si Shen sa pag-inom ng Tanduay Ice. Bakit ba siya mag-iisip ng kung anu-ano? Right now is not the right time to be stressed out.

The place was ecstatic! Sabrina Carpenter's 'Almost Love' filled the whole club and she can't help but to sway with it. Hindi niya lubos maisip na maganda pala sa pandinig ang masasayang hiyawan ng mga tao sa dance floor. Her drink was so good! Iyon nga lang ay iba na ang epekto sa kaniya ng inumin.

"Day! Day!"

Kunot-noong napatingin siya kay Stephen. "Bakit?"

"May naisip ako. And for sure effective 'to!"

She groaned in annoyance. "Ano na naman 'yan?"

"Kapag niyaya kang sumayaw ni Sir Ace ay sumama ka, gets?" Nagtaas-baba ang mga kilay nito.

She arched her brow. "Ako? Yayayain ni sir?"

"May posibility, day!" Stephen exclaimed while sipping on the glass. "Tsaka better way 'yon to provoke Diego. Kita mo naman ang itsura niya kanina no'ng dumating kayo ni Rex. Gosh! It's like gusto niyang jombagin ang frenny niya!"

"Never in a chance na yayayain ako ni sir," nakasisigurong sagot niya.

Stephen smirked. "Okay! We'll see!"

Ngingisi-ngisi pa si Stephen habang sinasalinan ang baso nito ng Bacardi. She's skeptical with that. There's no way that Ace will ask her for a dance. Swerte na lang niya kung mangyari iyon. Pero sa loob-loob niya ay taimtim siyang nananalangin na sana ay hindi magkatotoo ang sinabi ni Stephen. Halos lumabas na nga sa dibdib ang puso niya sa tuwing nasa malapit si Ace. Paano pa kaya kapag nakasayaw niya ito?

Natigil siya sa pag-inom nang biglang umupo sa tabi niya si Rex. Kaagad itong nagsalin ng inumin saka inisang lagok iyon.

"Nasa'n si Diego?" takang tanong ni Stephen.

"'Di ko na nga nakita. Panira talaga ng mood 'yon. Bigla na lang umalis."

"May problema ba si Diego?" siya naman ang nagtanong.

Nag-aalala rin naman siya sa nangyayari kay Diego. At mas nababahala siya na hindi man lang niya ito makausap.

"Ang alam ko ay nasa krisis ang family business nila. Dahil nga ro'n sa pinatay na naman sa Hotel Krista. Kung tutuusin hindi na dapat na-i-stress pa ro'n si Diego."

"Bakit naman?" nang-iintrigang tanong ni Stephen.

Nagkibit-balikat si Rex. "'Di naman under sa kaniya 'yong hotel. Tsaka never pa niyang na-i-manage 'yon. Kaya nga 'yon nag-apply sa Brooch kasi ayaw no'n sa hotel nila."

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon