Chapter 11

112 6 0
                                    

SHEN took a deep breath while saving seven files on her laptop. Finally! Nangalahati na rin siya sa kakagawa ng reports. She leaned on her chair and stretched her arms. Kaunti na lang ay matatapos na siya sa assignment na ipinagawa ni Kristie. Ito talaga ang inuna niya kanina pagkatapos ng lunch break. Gusto niyang mag-beauty rest sa weekend, tapos iyong gala pa nila bukas. Target niyang matapos ito bukas para wala na siyang ibang aalalahanin bukod sa music festival.

“Uy, Shen... kape tayo,” yakag ni Stella na bahagyang nakasungaw sa cubicle niya.

She agreed as they stood up and made their way to the pantry. Ang simpleng pagkakape nila ay sinamahan pa ng kaunting snacks. Medyo nagutom din siya sa kaka-encode ng reports na dapat sana ay si Kristie ang gumagawa. Alas dos pa lamang ng hapon at masyadong abala ang mga katrabaho nila sa mga gawaing opisina para sumaglit na magkape.

“Shen, may napansin ka ba kanina?” tanong ni Stella na nakapagpahinto sa kaniya sa paghigop ng kape.

Her forehead creased. "Napansin? Saan?"

"Kaninang lunch break. 'Yong pagwo-walk out ni Diego?"

"O? Eh, 'di ba sabi niya may gagawin pa siya sa department nila."

Malamang inaasikaso ng lalaki ang tungkol sa accounting reports, aniya sa isipan. Malapit na rin kasing matapos ang buwan na ito. Iyon na lang ang inisip ni Shen kung bakit biglang umalis si Diego kanina. Ayaw na niyang bigyan pa iyon ng ibang kahulugan.

"Hindi..." Stella twitched her lips. "Ito ha, hula ko lang 'to. Baka naman nagseselos si Diego kay sir kaya siya umalis agad? 'Di ba gano' din naman ang ginawa niya noong nakaraan?"

Halos masamid siya sa sinabi ni Stella. Agad siyang nagpahid ng tissue sa bibig. "Ba't naman 'yon magseselos? Hindi ko naman ano si sir."

"Hay, naku!" Marahas na nagbuga ng hangin si Stella. "Hindi ko alam kung manhid ka ba o ano. Girl! Gusto ka no'ng dalawang lalaki na 'yon!"

She rolled her eyes as she took a sip on her coffee. "Assuming ka, eh, 'no? Friendly lang 'yong mga 'yon." She groaned in annoyance when Stella arched its brow. "Okay! What if maniwala ako riyan sa sinasabi mo? Tapos in the end friendship lang pala ang habol nila sa'kin? Eh, 'di umasa pa ako!"

"Girl, obvious naman kasi." Sumimsim pa si Stella sa tasa ng kape nito. "Pero ito napansin ko talaga. Ba't parang hindi kayo nag-uusap ni Diego kanina? Pareho pa kayong tahimik."

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Shen. “Napansin mo pala.”

“So, bakit nga?”

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam."

"Well... siguro tama ako?"

She sighed. Pati ba naman sa pagkakape ay iisipin pa rin niya kung bakit hindi siya kinikibo ni Diego.

Hindi rin naman sila nagtagal sa pantry at agad ding bumalik sa kani-kaniyang cubicle. Nang mga oras na iyon ay mas naging abala si Shen sa trabaho. Hindi naman pala aabutan ng dalawang araw itong mga reports. Next week na ang music festival at dapat matapos niya hanggang bukas ang reports. Ilang giling na lang at tiyak na matatapos niya ito bukas ng umaga.

"Shen, busy ka?"

Napalingon siya kay Raffy na nasa likuran niya. May hawak itong papel.

"Hindi naman masyado. Bakit?"

"Ano... pwedeng ikaw na lang ang magpa-approve nito sa Accounting? Inaasikaso ko pa kasi 'yong sa Advertising."

Agad niyang tinanggap ang papel na binibigay nito. Lumabas na rin si Raffy ng department. Saglit niyang sinuklay ang nakalugay na buhok bago tumungo sa Accounting department.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon