Chapter 15

119 4 0
                                    

SHEN was nervously tapping her fingers on her lap while having a ride on a taxi. Hindi pa rin mawala sa sistema niya ang pagkahiya sa kaalamang hinatid siya ni Ace noong nakaraan. Gusto niyang tuktukan ang sarili. Kung alam lamang niya na madaling makalasing ang Tanduay Ice, eh, 'di sana ay hindi na niya dinamihan ang pag-inom niyon.

At ngayon ay papasok na siya sa trabaho, may tiyansang magkita sila ni Ace! Sobrang bilis ng pagtahip ng dibdib niya dahil sa kaba. Naisip na rin niyang uma-absent sa trabaho — na hindi niya nagawa dahil ngayon nila kikitain ang mga cast ng video clip ng marketing campaign.

"Ma'am, andito na po tayo."

Napaigtad siya nang tawagin siya ng taxi driver. Aligaga siyang kumuha ng pamasahe sa kaniyang bag at pagkaabot ng bayad ay agad siyang lumabas ng taxi. Nakakailang hakbang pa lamang si Shen nang bigla siyang matapilok. She groaned in annoyance.

"Ma'am! Sukli niyo po!" sigaw pa ng driver pero hindi na niya iyon nilingon.

Sa sobrang aga niyang pumasok ay napamaang sa kaniya ang security guard. Well, she did it on purpose. Maraming beses na niyang nakasabay sa elevator si Ace at tulad niya ay maaga rin itong pumapasok sa opisina. Dapat ay hindi sila nito magpang-abot!

Agad niyang pinindot ang up button pagkarating sa tapat ng elevator. She did a fingers-cross, hoping they will not jump into each other today. Pigil niya ang hininga nang magsimulang bumukas ang elevator. Animo'y napaso ang pagmumukha niya nang mapagsino ang nasa loob niyon.

"Good morning, Shen."

"S-Sir..."

It's as if an angel passed by between them. Biglang nanlamig ang mga kamay niya at nagsimulang manginig ang mga tuhod niya. Paulit-ulit pa siyang napamura sa isip nang hindi man lang niya maalis ang tingin sa lalaki.

Tuluyan nang lumabas si Ace at tumigil sa tapat niya. Nasinghot pa niya ang panlalaki nitong pabango na lalong nagpainit sa mukha niya.

Smells like summer...

"You're so early today," puna nito sa kaniya. A small smile flashed into his lips.

"N-Napaaga po, eh." Napakamot siya sa ulo. Nagmukha tuloy siyang namimilosopo.

"I see..." Ace nodded. "Kumain ka na ba?"

Kasabay niyon ay ang pagkalam ng sikmura niya. Pasimpleng napayuko si Shen saka mahinang minura ang sarili. Pambihira! Pati sikmura niya ay mukhang ayaw makisama sa gusto niya.

"A-Ano..." she stuttered. "Tapos na po, sir."

Sasagot pa sana ang lalaki nang bigla na namang kumalam ang sikmura niya. Sa sobrang tahimik ng hallway, maging siya, ay dinig ang tunog ng traydor niyang tiyan.

"Sounds your tummy contradicts to what you said." Mahinang natawa ang boss niya saka nito inilahad ang kamay. "I'm off to eat. Come."

Pakiwari ni Shen ay hindi na siya humihinga sa sitwasyon niyang iyon. Pasimple siyang napabuga ng hangin. Nag-angat siya ng tingin para lang magsisi nang magtama ang mga mata nila. Pakiramdam ni Shen ay dito na siya aatakihin sa puso!

Sa huli ay nagdesisyon siyang sumama kay Ace palabas ng Brooch. She can't say no! Unang-una, boss niya ito. Ang tindi naman niya kung tatanggihan niya ito sa ikalawang pagkakataon. At isa pa, maganda naman ang pakikitungo nito. Pero sa tuwing sasagi sa isipan niya ang ginawa nitong paghatid sa kaniya noong Biyernes ay kulang na lang mahimatay siya sa harapan nito.

Siguro pagkakataon na rin ito para makahingi siya ng dispensa sa boss, sa isip-isip niya.

At dahil maaga pa naman, napagdesisyunan nilang lakarin na lang ang coffee shop. Nasa unahan niya ang lalaki kaya naman malaya niyang nakikita ang likod nito. His iconic blue sweatshirt makes him more masculine. Nahihinuha ni Shen na suki ang lalaki ng gym dahil sa almost perfect nitong tindig.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon