Chapter 24

114 6 0
                                    

Warning: SPG







*******







"M-MAAWA ka, Ace..."

Tuluyan nang kumawala ang malakas niyang paghagulhol nang sirain nito ang suot niyang damit. Sa bawat haplos nito sa kaniyang katawan ay tanging pag-iyak lamang ang nagagawa niya. She can't even recognize her own voice.

Ganoon na lamang ang bilis ng pagtibok ng puso niya nang dumapo ang mga palad nito sa dibdib niya. Halos hindi siya makagalaw nang ibigay nito ang bigat ng sarili sa kaniyang nanghihinang katawan.

"A-Ace, 'wag..."

Tila walang narinig ang lalaki at mas pinagsawa pa nito ang sarili sa kakatitig sa lantad niyang dibdib. "Akin ka lang, Shen. Walang ibang pwedeng magmay-ari sa'yo kung 'di ako lang."

"Hayop ka! 'Wag mo siyang galawin!" nagsisisigaw si Diego sa kinalalagyan nito na sinabayan ng pagkilansing ng kadenang nakatali sa leeg nito. Kahit hinang-hina na ay sinubukan pa rin nitong makatayo, ngunit natumba lang din dahil sa kawalan ng lakas. Halos habulin na nito ang sariling paghinga at maging ang mga labi nito ay nangangatal na sa pagod. "P-Pakawalan mo siya!"

"May naririnig ka ba, mahal ko?" nakangising tanong ni Ace na mas lalong nagpatindig ng balahibo niya.

Kaysa titigan ang lalaki ay ipinikit na lamang ni Shen ang mga mata habang taimtim na nananalangin sa isipan. She can't stop herself from crying. Sa tuwing maririnig ang naghihingalong sigaw ni Diego ay doble ang sakit na nararamdaman niya.

"P-Pakawalan mo na si Diego, Ace. G-Gagawin ko ang l-lahat, please..." kandautal niyang pakiusap sa lalaki.

Huminto si Ace sa ginagawa nito sa dibdib niya saka umayos ng pagkakaupo sa ibabaw niya. Maging ang bigat nito ay hindi na niya maramdaman dahil pinuno na ng takot ang sistema niya. Nagpakawala ito ng isang malalim na buntonghininga. "Shen, wala ka nang dapat gawin dahil makakawala rin siya riyan."

Mas lalong bumilis ang pagtahip ng dibdib niya dahil sa sinabi nito. She can feel her body trembling when an idea of what he said came into her. "A-Ano ang ibig mong sabihin?"

"Simple. When he died, his soul will be free." At humalakhak pa ito na nagbigay sa kaniya ng matinding kilabot.

"H-Hindi mo 'yan magagawa. H-Hindi ka mamamatay tao, Ace." She tried to find the Ace that she knew. Ngunit bigo siya nang gumuhit ang isang nakakakilabot na ngiti sa mga labi nito.

"I have a story to tell," pagkasabi niyon ay tumayo si Ace at nagpalakad-lakad sa kabuuan ng silid. "Noong bata pa ako, mahilig akong magligpit ng mga kalat. Pati na rin ang lahat ng ayaw ko ay inililigpit ko."

"Duwag kang baliw ka! Lumaban ka ng patas!" biglang sigaw ni Diego na nagpahinto sa kwento ni Ace.

"Isa pa itong si Diego," naiiling na sambit nito. "Imbes na si Shen lang ang padadalhan ko ng sticky note ay dumagdag ka rin. I already told you to stay away from her. Pero ang tigas ng bungo mo. Inamin mo pa na ikaw ang nagpapadala ng mga bulaklak."

Nawindang si Shen sa mga nalaman. Dumako ang tingin niya sa kinalalagyan ng lalaki. Kaya ba siya iniiwasan ni Diego noon ay dahil dito? Kaya ba ilag na ilag ito sa kaniya?

"Kahit na sinabi kong papatayin ko si Shen ay lumapit ka pa rin sa kaniya. At balak mo pa siyang ligawan." Pagak na natawa si Ace saka ito lumapit kay Diego. Muli nitong pinulot ang baseball bat at iniumang iyon sa ulo ng lalaki. "Hindi ko alam kung may lahing pusa ka ba o ano. Last week ka pa rito. Pero buhay ka pa rin."

All she could do was to cry with all her strength. Ace was not into his proper self. At sa estado nito, hindi ito magdadalawang-isip na tapusin ang buhay ni Diego. At sinisisi niya ang sarili sa sinapit ng lalaki. Siya ang dahilan kung bakit nasasaktan ng sobra si Diego. At hindi niya lubos maisip kung ano ang mga ginawa rito ni Ace para maghirap ng gano'n ang kaibigan niya.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon