Chapter 17

111 6 0
                                    

ANG inakalang simpleng pag-uusap nina Shen at Diego ay nasundan pa ng isang dinner date. Diego really wanted to make it up for her. Gusto nitong punan ang mga araw na hindi siya nito kinibo.

Somehow, Shen find it so sincere. Hindi pa rin nawawala ang Diego na nakilala niya sa maikling panahon. Kaya hindi niya lubos maisip kung bakit pinagdududahan ito ni Stephen tungkol sa kaso ng Hotel Krista.

Dinala siya ni Diego sa isang restaurant somewhere in Ortigas. The place was cozy. Mas pinatingkad ng liwanag na nagmumula sa chandelier ang varnished wooden wall ng kainan. Even the tables and chairs were just like the color of its wooden floor. Lakas maka-nineties ng lugar.

Pinili nilang maupo sa pandalawahang mesa malapit sa glass wall. Tanaw ni Shen mula roon ang kahabaan ng trapiko. Even the night sky of Metro seems so busy as the lights of the gargantuan buildings sparkle along the way.

“Ano ang gusto mo, Shen?”

Napaigtad siya sa tanong na iyon ni Diego. Saka lang niya tiningnan ang menu na nasa ibabaw ng mesa. They have lasagna, carbonara, and paella. Steak seems so delicious. Gah! Gutom na siya pero nang mapatingin sa mga litrato sa menu ay mas lalo lang siya natakam.

“Um, lasagna sana... tapos itong pork chop. Mukhang masarap, eh. Then itong chao fan, tapos itong tempura din,” sunod-sunod niyang sambit habang ang tingin ay nasa menu pa rin. She twitched her lips. Hindi na niya alam kung ano pa ba ang o-order-in.

Nag-angat siya ng tingin at doon lang siya nakaramdam ng hiya nang makita ang nakangiting itsura ni Diego.

“A-Ano... ambag na lang tayo?” She scratched her head as she shyly turned her gaze to somewhere else.

Shuta ka, Shen!

“N-No, Shen! It’s on me. Order ka lang.”

Dala ng hiya ay hindi na niya dinagdagan ang mga order. Kahit pa sabihing bumabawi sa kaniya ang lalaki ay ayaw pa rin niya itong abusuhin. Tumawag na rin si Diego ng waiter. Diego ordered the same food. He added two mango shakes, too.

Pagkaalis ng waiter ay saglit na nagpaalam sa kaniya ang lalaki para magbanyo. Agad niyang kinuha ang cellphone nang hindi na niya matanaw si Diego. She immediately dialled Stephen's number.

"Day, bakit?" bungad nito sa kabilang linya.

"Guess what? Kasama ko ngayon si Diego!"

"W-Wait. Magkasama kayo?" histerikal na sambit ni Stephen. "Shen! Gabi na!"

She sighed. "Stephen, siguro tigilan na natin ang pagdududa kay Diego. Besides, umamin na siya sa'kin. He's Third!"

"Say what!?" halos mabingi siya sa sigaw nito. "Shen, hindi natin alam kung paano mag-isip ang lalaking 'yan! What if dalhin ka niyan mamaya sa hotel nila? Then what? Papatayin ka niya!"

Hindi niya napigilang mapairap sa sinabi nito. "Hindi naman siguro gagawin 'yon ni Diego," aniya sa kausap. "Tsaka nakakasama na natin siya nitong nakaraan. Sinabi na rin niya sa'kin kung bakit hindi niya ako kinakausap noon."

"Ewan ko ba, day! Kinakabahan talaga ako sa lagay mo ngayon."

Napangiti siya nang matanaw si Diego na papalapit sa pwesto niya. "Andito na siya. Babalitaan kita mamaya," bulong niya pa sa kabilang linya.

"Okay." Stephen sighed in defeat. "Always update me, day. Nag-aalala lang talaga ako sa'yo."

Saktong pagkaupo ni Diego sa silya nito ay tinapos na rin niya ang pakikipag-usap kay Stephen. Agad niyang ibinulsa ang cellphone. Poor guy. Wala man lang itong kaalam-alam na sobra ang paghihinala rito ng kaibigan niya.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon