Chapter 18

120 5 0
                                    

SA school grounds ng St. Thomas ginanap ang naturang event. Nagmistulang concert ang eskwelahan dahil sa set-up. The huge stage was filled with colorful smokes. Even the typography from there was so catchy, kahit na hindi naman niya naiintindihan ang nakasulat doon.

At hindi nga nagkamali si Shen sa pag-suggest ng sponsorship. Nakailang tawag na sila sa warehouse para magpakuha ng energy drinks. Lumampas na sila sa thirty percent na napag-usapan nila ng organizers. Mabuti na lang ay handang bayaran ng school ang energy drinks na hindi na kasama sa bilang. At masasabi niyang pumatok agad ito sa mga tao.

Halos lahat ng empleyado ng Brooch ay kasama rin nila. Well, most of them can freely enjoy the event. Maliban na lamang sa Marketing at Advertising na masyadong abala sa pag-asikaso ng gagawing video clip. Naka-set-up na rin sa paligid ang ibang crew para sa pagkuha ng iba't ibang anggulo.

"I didn't see this one coming," iiling-iling na sigaw ni Ace sa tabi niya. Kinailangan pa nitong lakasan ang boses para magkarinigan sila. Masyadong marami ang dumalo sa event at talagang nakakabingi ang mga rock song na lumalabas sa mga naglalakihang speaker na nakapaligid sa grounds.

"Sabi na, eh! Magaling talaga itong si Shen!" papuri ni Stella na tumatalon talon pa at sumasabay sa music.

The neon lights were scattered all over the area. Walang humpay ang mga tao sa hiyawan at pag-indak. The songs were great! Nagmistulang disco club ang event. And the sponsored bands were so amazing! At ang mas maganda pa, ang dami na nilang contact na nakuha na willing mag-invest sa kumpanya.

"By the way, sir! May nakuha akong bagong investor. Iyong Coloco Distillery!" Stella shouted. Kung magsasalita lang sila ng normal ay hindi rin sila magkakaintindihan.

Ace's lips rosed up. Maging si Shen ay napangisi sa sinabi ni Stella. Mukhang matutuloy na ang promotion na matagal na niyang gustong makuha.

Pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid. Nakita niya sina Stephen na kasama ang buong Accounting at HR. Mukhang masaya naman ang mga ito. Pero hindi niya nakita sa mga iyon si Diego. She sent him a message a while ago. Pero wala siyang nakuhang sagot. Maging ang mga text at tawag ng mga kaibigan nito ay hindi rin sinasagot ng lalaki.

Napabuntonghininga na lamang siya. Ano na kaya ang nagyayari kay Diego?

Her eyed widened when Ace grabbed her wrist and pulled her in the middle of the crowd. Hawak naman nito sa kabilang kamay ang isang bote ng Brooch energy drink. Nilingon siya nito. His smirking face made her gulped. Ghad! Nagsisimula na namang magrigudon ang mga insekto sa loob ng sikmura niya.

Ibang banda na ang tumutugtog. But like the first one, rock songs pa rin ang pumapailanlang sa buong paligid. Medyo malayo rin ang nilakad nila para lang makalapit sa platform. Ace held her hand upward. Pigil niya ang hininga nang maalala ang video clip.

Ganitong-ganito ang eksenang nakasulat sa script!

She slowly spinned around like what was on the script stated. She stopped right in front of him. At mas lalong bumilis ang pagtahip ng dibdib niya nang ngitian siya nito.

"Ready?"

Napamaang siya sa tanong nito. It's as if her heart skipped for a bit. She gulped. She can't find the right words to answer his question. Binitiwan na rin nito ang kamay niya at gayon na lamang ang pagluwag ng kaniyang dibdib. But that peacefulness in her took only a second when he took a step forward. Mas lalo lamang nag-init ang pakiramdam niya nang banayad nitong haplusin ang pisngi niya. It made her shiver.

"S-Sir..."

"Act naturally. Kasama 'to sa script."

Napalunok si Shen bago ilapat ang mga palad niya sa dibdib ng lalaki. Kasama iyon sa script. Nag-angat siya ng tingin para lang salubungin ang matiim nitong mga titig.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon