Chapter 19

113 3 0
                                    

Error occured. Pero okay na siya hihi! Minor changes lang. As minor lang hehez!

Enjoy!





****





AT dahil sa tagumpay ng kanilang energy drink, ipina-review sa kaniya ni Spade ang mga nakaraang marketing strategy. Their boss entrusted her the doings of these things with the help of Kristie, of course. Kailan ba hindi bumida ang babae?

"I think we should change the demographics here," pagkausap niya pa sa sarili habang binabasa ang marketing strategy ng flavored water. Sa kasamaang palad, umabot iyon sa pandinig ni Kristie.

"I-review mo muna ang expenses. Baka maisipan mo na namang mag-sponsor ng tubig sa buong Metro."

She secretly rolled her eyes. Pwede naman kasing gawin niya ang trabaho sa cubicle niya. But Kristie insisted that they should do it in its office. Pabida dahil kausap nila noon si Spade at Ace.

She spend her afternoon by reviewing three marketing strategies. Hindi na siya masyadong nahirapan dahil kasali na siya sa team nang gawin ang mga iyon. But sadly, all the ideas were came from their honorable Marketing Head. At hindi niya talaga gusto ang taste ng utak nito. Though Brooch has established its status in the market. Still, she think it wasn't enough.

Besides, she can see these task as an oportunity for her promotion. Nakikini-kinita na niya ang paparating na reward dahil sa success ng energy drink.

It's almost five in the afternoon when she received a message from an unknown number. Ngunit pagkakita niya sa previous text message nito ay nahulaan na niya kung sino ang nag-text.











From: 09*********
Are you free? Let's have coffee.












"Uy! Sino 'yan?" intregerang tanong ni Stella na nakasilip sa cellphone niya. Agad niya iyong ibinulsa.

"Wala," aniya saka naupo sa swivel chair. Pabalya niyang initsa sa desk ang mga folder. Finally! Nakalabas din siya ng opisina ni Kristie. Pakiramdam niya ay sinakal siya sa loob ng office nito. Hindi niya talaga maatim na makasama si Kristie sa iisang lugar.

"By the way, pinapasabi ni Sir Spade na gawin mo na 'yong report about the music festival. Then ipa-check mo muna kay Sir Ace bago mo ipasa."

Tumango lang siya habang hinihilot ang sentido. Muli niyang kinuha ang cellphone saka pinakatitigan ang text message. It's from Ace. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang number niya. Ngunit inisip na lang niya na baka ibinigay ni Raffy ang number niya rito.

Nakaposisyon na ang mga hinlalaki niya para mag-reply. He offered her a coffee one time, but she rejected him. Ngayon ay iniimbita na naman siya nito. He's giving her mixed signals. Hindi na niya alam kung ano pa ba ang iisipin sa boss nila. Aaminin niyang may mga panahong kinikilig siya sa mga ginagawa nito. Pero ayaw niyang umasa.

Sa huli ay ni-reply-an niya ang lalaki. After all, he helped her to improve on her task. Ace just made a huge part in her successful marketing strategy. Noong mga panahong kinakalaban siya ni Kristie sa presentation niya ay ito lang ang nakinig. And maybe she should thanked him for that.












From: Shen
Yes po, sir. Thank you!
Sent













She grabbed her things and was ready to leave. Sa lobby na raw siya hihintayin ng lalaki. Truth is, she's so nervous. Kumakalat pa naman ang tsismis sa buong Brooch na ginagamit lang niya si Ace, na hindi naman totoo. Gusto lang niyang pagbigyan ang imbitasyon nitong magkape. Saglit pa siyang nanalamin bago sumunod kay Stella na palabas na ng department.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon