Chapter 16

109 8 0
                                    

AWTOMATIKONG napalingon si Shen sa humahangos na si Raffy. Nakadikit pa sa tainga nito ang cellphone habang papalapit sa kaniya na animo'y nanlulumo sa sinasabi ng kausap sa kabilang linya. Tuloy ay hindi niya napigilang pagtaasan ito ng kilay.

Pagkatapos nitong makipag-usap sa cellphone ay siya ang hinarap nito. "Shen, nag-back-out 'yong reserved ko."

Mariin siyang napapikit sa sinabi nito. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya.

"So, may back-up plan ka ba riyan?"

Napayuko si Raffy habang kamot-kamot ang batok nito. "W-Wala, eh. Kahit sa advertising ay wala silang ma-i-recommend na talent."

She grunted out of annoyance. Sa sobrang pagkairita ay marahas niyang pinihit ang kinauupuan paharap sa desk. Napahilamos siya sa mga palad niya. Ang ganda-ganda ng nilatag niyang idea tapos masisira lang din pala ng isang kawalan ng casts! Ugh!

"Ey! Problem?" singit ni Stella sa usapan. Hindi na lang niya ito sinagot dahil baka kung ano pa ang masabi niya.

Well, she's at fault, too. They are team. Pero hinayaan niyang si Raffy lang ang gumawa ng task. Mas nag-focus tuloy siya sa pag-alam ng pagkatao ni Third imbes na maghanap ng casts. Ngayon tuloy ay pareho pa silang namumroblema.

Hindi na niya ulit narinig na nagsalita si Raffy. Balisa ang mukha nito dahil sa kawalan ng maisip. Ngayong linggo na ang event at mukhang mapupurnada pa ang highlight ng sponsorship ng Brooch.

Nag-angat siya ng tingin para lang makita si Ace na kalalabas lang sa office ni Kristie. Tulad niya ay mukhang problemado rin ang lalaki. Napatuwid siya ng upo nang ma-realize na papunta ito sa direksyon nila. Agad na nag-iba ng ritmo ang pintig ng kaniyang puso. Somehow, she felt cautious about what she looks like right now. Hindi pa naman siya nakapag-retouch buong maghapon. Si Raffy naman animo'y naumid ang dila.

"Good afternoon po, sir!" si Stella na ang bumati nang tumigil ito sa pwesto nila.

Agad namang nag-busy-busy-han si Shen para hindi mapansin ng boss. Hindi pa rin siya maka-move-on sa sinabi nito kanina. Kunwa ay may hinahanap siyang file pero ang totoo ay wala naman. Kanina pa niya naipasa ang reports kay Kristie kaya bukod sa pag-asikaso ng tungkol sa music festival ay talagang maluwag ang schedule niya ngayon.

"By the way, Shen..." Ace trailed off. Natigil siya sa pagtipa at hinarap ang lalaki. Dinadaga ang dibdib niya sa uri ng tingin nito. "I had a call from Mr. Quintua earlier."

Bigla siyang naintriga sa sinabi nito. "Iyong organizer? B-Bakit daw po?"

Nagpakawala si Ace ng malalim na buntonghininga bago nagpatuloy, "They moved the event."

"Talaga?" Nabuhayan ng loob si Raffy sa sinabi ng boss. Even Shen felt relieved to what they heard. "Yes! Pwede pa akong makahanap ng substitute!"

Ace's forehead creased. "Substitute? For what?"

"Nag-back-out kasi sir 'yong reserved casts. Hindi rin kasi available 'yong first choice namin."

"That's bad," mahinang sambit nito saka nagkibit-balikat. "Anyway, I believed you don't have enough time to find a new one. Bukas na ang event."

"Ano!?" Halos matumba si Shen sa kinauupuan. Saglit lang pala ang naging pagsasaya nila ni Raffy. "S-Sir... wala po tayong cast para sa clip. Importante po 'yon!"

"Oo nga po, sir," segunda pa ni Raffy. "Tsaka hindi na po pwedeng i-pull out 'yon. Aprubado na po kasi iyon sa accounting tsaka sa advertising."

"I see," anito at bahagyang napatango. "Well then, why don't we find a volunteer here?"

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon