Kabanata 04

303 17 0
                                    


This is unedited.

Trigger warning: This chapter contains sensitive topics/discussions. Please beware, thank you.

---------------

DANICA'S POV

Nakatulala lang ako sa loob ng kwarto ko. Iyak lang ako ng iyak habang nakadapa sa kama ko.

Pagkarating palang ng kotse ni kuya Reynell sa bahay ay lumabas kaagad ako sa sasakyan niya at hindi ko na pinansin ang mga matang na nakatingin sa akin.

Dumiretso lang ako sa kwarto at nag lock ng pinto para walang makapasok.

Maingay sa labas dahil nandito pati mga kaibigan namin. Binuksan ko ang speaker sa may side table ng kama ko at malakas nag patugtug doon.

Hindi ko alam pero grabe ang kaba ko, hindi ko alam kung lalabas ba ako para harapin sila o mananatali nalang muna sa loob ng kwarto ko.

Nawala ang sakit ng buong katawan ko, napalitan yun ng pagod sa buong mag hapon ko. At pano ko maipaliwanag sa kanila kung ano ang ginawa ko.

Madami pumasok sa isip ko hanggang sa nakatulog nalang ako sa kakaiyak dahil sa pagod na rin seguro at sakit sa ibang party ng katawan ko.

--

KANINA pa ang magkakaibigan sa studio room kung saan nag latag sila ng mga kutson.

Tahimik lang ang lahat dahil kahit sila ay hindi makapag salita habang nakikita nila si Reynell na seryosong naka tingin kay Danica na tulala lang na nakatingin kung saan. Mahahalata mo rin na galing ito sa pag-iyak dahil sa pamumugto pa ng mata.

Hinaplos ni Jeyo ang buhok ni danica para iparating na nasa tabi lang siya at hindi siya pababayaan nito.

Tatlong taon ang tanda nila kay danica kaya ganun nalang sila mag protekta sa pinsan nilang babae.

"Sa lalaki ba galing ang malaking pera na tulong para kina ate Danice at kuya Danico ?" kalmadong tanong ni Reynell.

Napayuko nalang si danica bago tumango.

Napabuntong hininga si Reynell. "Bakit ka binigyan ng ganun kalaking pera, imposibleng walang kapalit."

Mag sasalita pa sana si Reynell nang bigla nalang napatakip ng mata si Danica at umiyak sa mga palad niya. Naiiyak narin ang mga babae na andon dahil naaawa sila sa kalagayan ni danica na parang nanlalata at pagod ito.

Nang parang nahimasmasan na si danica  napabuntong hininga nalang siya bago magsimulang mag salita.

"B-binisita ko sina mama sa hospital mga ilang linggo na ang nakalipas." tumingin siya sa mata sa pinsan niyang si Reynell na seryoso lang nakatingin sa kaniya."alam mo ba ang naramdaman ko kapag nakikita ko si kuya na nakaratay lang sa kama habang kritikal ang buhay niya dahil sa pagkaka aksidente niya?" hinayaan lang ni danica na mamalisbis ang luha niya habang nakatingin sa pinsan niya na 'di nagsasalita. "n-nasasaktan po ako kuya rey, *hikbi* gustong gusto ko maka tulong kina mama at papa kasi baon na sila sa utang sa hospital, pero wala akong magawa kasi feeling ko ang useless ko kasi hindi man lang ako matanggap sa anong trabaho dahil ang bata ko pa daw at baka hindi ko pa kaya mapag sabay ang pag aaral at pag tatrabaho ko." pagpapatuloy niya.

Tahimik lang nakatingin sa kaniya ang mga kaibigan niyang nakikinig lang sa sakit na nararamdaman ni Danica.

"at kaya naisipan mong ibenta ang sarili mo sa lalaking yun?" pinipigilang galit na saad na tanong ni reynell sa kaniya.

My Gentleman But Jerk Husband  Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ