Chapter-19

148 12 0
                                    


This is unedited!

-

DANICA'S POV

Pinakiramdaman ko ang sarili ko maging ang nasa paligid ko kahit naka pikit pa ang mga mata ko. Ramdam kong may tao sa gilid ko pero hindi pa ako nagmulat ng mata.

Nanghihina pa ako dahil nangingig ang magkabilang hita ko, at subrang sakit rin nang nasa pagitan ko.

May pumisil sa kamay ko na mahina lang kaya hindi ko na mapigilang hindi magmulat ng mata at bumaling nang tingin sa asawa ko na nakahiga ang ulo sa may bandang tagiliran ko habang nakaupo.

Hawak niya ang kamay ko na walang naka kabit na kung ano, pinag masdan ko maigi ang asawa ko na mahimbing natutulog, para itong puyat at pagod.

Inalis ko ang kamay ko sa pagkaka hawak niya sa isang kamay ko para haplusin sana ang buhok niya, ngunit nagising siya.

Namumungay ang mata niyang tumingin sa akin at bigla nanlaki ang mata niya.

Tumayo siya sa pagkakaupo saka lumapit sa may side table katabi sa hinihigaan ko at may tinawagan sa telepono na nakalagay doon.

Pagkatapos niyang tumawag ay binaba na niya ang telepono bago lumapit sakin at walang alinlangang niyakap niya ako.

"S-salamat,gising kana babe, subrang nag alala ako sayo." garalgal na saad niya habang naka subsub sa leeg ko.

Tinaas ko ang kabilang kamay ko para  haplusin ang buhok niya.

Hindi ko alam kung ilang oras o araw na ako nakatulog. Pero ramdam ko parin ang hapdi na parang may sugat sa pagitan ng mga hita ko.

Napapikit ako ng mariin nang bumalatay ang sakit at kirot nang mag dikit ang mga hita ko na parang may nasagi sa gitna ko.

Ganito pala kasakit pag nanganak ka.

Humarap sakin si Dion at pinagka titigan ako na parang inuobserbahan ang reaksyon ko, kaya nginitian ko siya ng maliit.

"Masakit ba talaga?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

Pinisil ko ilong niya dahilan para mapangiwi siya.

"Syempri naman masakit, ilang oras kaya ako nasa ER at apat pa na bata ang nilabas ko."mahinang ani ko dito bago siya nginitian.

"Sorry, kung pwedi nalang sana na lalaki nalang ang mag buntis, aakuin ko sana eh. Kaso babae talaga, kaya tiis tiis muna babe." saad niya habang naka tingin sakin pero natawa ako ng mahina sa sinabe niya.

"Nung ikaw nga naglilihi naawa na agad ako sayo, mag buntis pa kaya." natatawa kong saad dito habang napangiwi dahil nasagi naman ang sa gitnang bahagi ko.

Napansin seguro niya iyon, kaya na upo siya ng tuwid bago haplusin ang tiyan ko na maliit nalang ang pagkaka umbok.

"Parang ayaw na kitang buntisin." ani niya sakin.

Tumingin ako sa kaniya na parang hindi maka paniwala sa sinabi niya.

"Hindi mo sure." natatawa kong saad kaniya na ikinatawa rin niya ng mahina.

Hinawakan niya kamay ko bago paulit ulit niya itong hinahalikan. Tumingin ito sakin bago napa luha.

"A-akala ko iiwan muna kami." garalgal na ani niya sa akin.

Nangunot ang noo ko sa sinasabe niya.

"Ano ba pinagsasabi mo?"

"Nakita ko ang hirap at pagod mo kagabe, nanghihina ka rin nung maipanganak mo ang Quadru. Akala ko iiwan muna kami, yun pala kailangan mo lang mag pahinga, oa lang ako dahil nakita kong pinipilit mong mag mulat kahit inaantok kana." mahabang wika niya.

My Gentleman But Jerk Husband  जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें