Chapter-14

158 14 0
                                    


This is unedited!

---

Naka pikit pa ako pero pinakiramdaman ang nasa paligig ko, may narinig akong ingay ng kung ano sa loob kung nasaan ako. Parang monitor katulad nang nasa hospital si kuya.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at ngayon ko lang napansin na may naka saksak na kung ano sa bibig ko.

Mabigat pa ang talukap ko nung bumaling ako sa pinto nang bigla itong bumukas.

Nag tama ang mata naming dalawa, kita ko ang gulat sa mata ng asawa ko at nag madaling may pinindot sa gilid ng pinto at may kinausap siya don.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Parang may masakit sa tiyan ko. Hinawakan ko ito at hindi ko na maramdaman ang malaking umbok sa tiyan ko.

Bigla nalang namalisbis ang luha ko at tumingin kay Dion na namumula na ang mata bago siya humagulhol ay lumapit na ito sa akin, habang niyakap niya ako bigla at parang may iniiwasan na matamaan siya sa tiyan ko. Napasubsub siya sa leeg ko at dun umuyik.

Bakit ganito, hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangayare..

Napatingin ako sa kisame at nanalangin na sana mali ang iniisip ko, na sana ligtas ang mga anak ko.

Inalis ko ang naroon sa bibig ko dahil gusto ko mag tanong.

Muntik pa ako mabilaukan dahil hanggang loob-looban ko naram kong ang bagay na nahila ko nung tinanggal ko ang tubo sa bibig ko.

Tumingin ito sa akin nang pilit kong pinapaharap ko ito. Hinawakan ko ang kabila niyang pisnge. Patuloy lang dumaloy ang luha niya, at pansin ko din namumugto na ang mata niya habang may maitim sa palibot sa kanyang mga mata na parang walang tulog at matamlay siya.

Bakas sa mukha niya ang pagod at puno nang kalungkutang ang mg mata niya.

Maliit akong ngumiti dito bago mag tanong.

"A-asan n-na mga a-anak natin, B-babe? g-gusto ko sila m-makita." nahihirapan na naka ngiti kong saad dito na may halong kaba na nararamdaman.

Nahihirapan na hinawakan ko ang tiyan ko at napa pikit ng mariin at nag mulat muli at tiningnan siya ulit. "W-wala n-na kasi s-sila sa t-tiyan ko, hindi na malaki tiyan ko oh." namalisbis ang luha ko sa huli kong saad dito.

Bigla nalang nanginig ang labi niya at umiling-iling. Hanggang sa napaiyak nalang siya.

Bigla nag si datingan ang mga magulang namin at apat na naka puting naka unuporme. Nakita ko ang awa nila sa amin kaya bumaling ulit ako kay Dion na naka yukong umiiyak.

"D-dion, b-baka n-nagugutom na mga anak natin." saad ko dito at hinawakan ang buhok niya para haplusin yun.

Tumingin ako sa magulang ko na umiiyak na rin. Ayaw ko mag isip ng hindi tama sa nagyayare sa paligid ko. Tumingin ako kay lola na nakayakap kay lolo habang umiiyak  ito.

Wag naman po sana...

"A-asan ang mga anak ko? Gusto ko sila makita, baka gutom na sila. D-dion, ang mga baby natin. Wag naman kayong umiyak nang ganyan. Hindi kasi ganyan ang Tears of joy eh.hehe Para kayong namataya--." napahinto ako sa huli kong sinabi at tumingin sa magulang namin maging si dion ay malakas na hunagulhol sa sinabe ko at yumakap sa akin habang nakaupong naka harap sa kaniya.

"Wala na Mrs.San Diego ang mga anak nyo." naiiyak na saad ni Dra. na tita ni Dion. "I'm sorry, hindi namin sila nailigtas. Nung madala ka dito sa hospital ay wala nang buhay ang dalawa sa Quadru pero kalunan sumunod na nawalang buhay ang dalawang natira nung inilabas na namin sila sa tiyan mo. I'm sorry for your lost, Dani."

My Gentleman But Jerk Husband  Место, где живут истории. Откройте их для себя