Chapter-10 (PART2)

201 15 0
                                    

N/A: henlooo, oa talaga ako. Kaya oa rin mga sinusulat ko ^_^

This is unedited!

--

"Eh, saan kayo titira pag kinasal na kayo?" may halong lungkot na tanong ni lola kaya natawa ako.

Ayaw talaga ni Lola na nawawalay ako sa kanila. Kaya nga gusto nila na dito sila tumira dahil sa akin, simula kasi nung bata pa ako ay kasama na namin silang dalawa.

Dapat kukunin ni tita Raquel sina Lola kaso ayaw ng dalawa wala daw mag babantay sa akin, dahil palaging wala noon sina mama at papa kung saan yun ang araw na palaging pabalik balik si ate sa hospital.

Kaya simula nun mas malapit ako sa dalawang matanda kesa sa mga magulang ko.

"Lola, dito po muna kami ni Dion pag kinasal kami, habang pinapaayos pa niya yung bahay niya, na pinalagyan ng mga kwarto para sa mga bata." saad ko dito at tumingin kay Dion kaya nginitian ako nito.

Binalik ko ang tingin ko  kay Lolo at lola at nag patuloy sa pag salita. "at isa pa Tanda's, kasama po namin kayo sa paglilipat ni Dion kung sakali man, wala kasi akong alipin dun." sabi ko dito na ikinatawa nina mama at binato naman ako ni lola ng tissue na nasa mesa namin.

"Iwan ko sayo apo, kung hindi lang kita mahal benenta na sana kita noon habang wala pa ang magulang mo." biro pa ni lola sa akin.

"Buti Tanda hindi nyo ginawa noh? Wala sana kayong mga apo sa tuhod" natatawa kong saad dito na inirapan pa ako ni lola. "Ang tanda muna La, mataray ka parin, seguro nung kabataan nyo pa ni lolo pinilit mo lang siyang pakasalan ka.. ang panget mo kaya." biro ko dito.

Parehas kami na natawa ni lolo na binatukan naman ito ni lola.

Kaya ayon nilsmbing naman siya ni lolo na ikinatawa namin dahil para silang ahas na naglingkisan ng mga braso.

"Ikaw talaga anak, kung hindi ko lang alam ang ugali mo. Iisipin ko wala kang respeto kina mama." napapailing na saad naman ni papa.

Nahinto naman si lolo at lola sa paglalandian nila. Nagkatinginan kaming tatlo, at natawa sa sinabi ni papa. Nagkatinginan kami ni lola at napairap sa isa't isa at natawa ulit.

"wala eh, may favoritism si lola." kunwaring malungkot na saad ni ate.

Tumingin si lola dito at tinaasan kunware ng kilay. "Aba Danice, madami ang requirements para makapasok sa taste ko bilang paborito kong apo. Ang daming pinagdaanan ng kapatid mo para maging paborito ko siya. Pero mahal naman kita danice, kaya wag kang mag aalala." saad ni lola habang nilagyan ng gulay ang pinggan ni ate pero bigla nalang natawa si lolo.

Kaya napatingin kami dito kay lolo na pabigla bigla na lang tumatawa.

"Ano nga mahal ang Requirements para makapasok sa favoritism mo ang mga apo natin?" Natatawang tanong ni lolo kay tanda.

Tumingin si lola sa akin na pinaikutan ko lang ng mata na ikinatawa niya. Nagtaka naman sina mama dahil wala silang alam sa pinagdaanan ko sa kamay ni lola habang ito nag aalaga sakin nung wala sila.

"Alam ko naman kasi Danice hindi mo kaya ang requirements ko. Binabato ko lang naman ng balde ang kapatid mo kapag sinasagot sagot ako, kinukurot ko ang singit kapag pasaway, sinasabunutan ko pag ayaw maligo, pinupokpok ko ang ulo ng notebook pag ayaw mag aral. At madami pa yang pinag daanan sa kamay ko." natatawang saad ni lola dito na ikinalaki ng mata nina mama.

My Gentleman But Jerk Husband  Where stories live. Discover now