Chapter 24

98 11 0
                                    

This is unedited!

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated.

---

DANICA'S POV

Matapos ang kahihiyan na naganap kanina ay nagpaalam muna ako sa kanila. Tumambay muna ako sa may puno malapit sa cabin namin habang kalong ko ang bunso kong anak na si Drine.

Nahiya ako kay papa dahil sa sinabi niya kanina, parang wala akong mukha na maihaharap sa kanila dahil sa kahihiyang ginawa namin mag asawa.

Bago ako umalis hindi ko pinansin si Dion habang kinakausap ako.

Ine-ele ko ang anak ko na mahimbing  natutulog.

Habang busy ako sa pagpapatulog sa anak ko nagulat ako dahil may bagay na nag lapat sa likod ko. Tiningnan ko ang twalya na nasa likod ko at nakita kong naka tayo' ang magulang ko sa gilid ko, napaiwas agad ako ng tingin sa kanila nung mag tama ang mga mata namin.

Tumabi sila sa magkabilang gilid ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa hiya.

Mga ilang minuto kaming tahimik habang pinakiramdaman namin ang isa't isa.

"Hindi ko masabi anak na natural lang yun dahil mag asawa kayo." basag ni papa sa katahimikan.

"Ang sa akin lang, sana naman inisip niyo na may mga tao rin sa paligid nyo." kalmadong saad ni papa.

Nakayuko lang ako habang nakatingin kay baby Drine.

"Porket mag-asawa na kayo pwede na ninyo gawin ang mga gusto nyo, isipin mo anak. Napakabata mo pa, at napag usapan na natin na walang mabubuntis hangga't hindi kapa nakakapag tapos ng pag-aaral kasama na don sa usapan na wala munang mangyayare sa inyo." paalala sa akin ni papa.

Napalunok ako hindi dahil sa sinabe niya kundi dahil iniisip ko si Dion. Madaming pumasok sa utak ko.

Tiningnan ko si papa bago napabuntong hininga.

"Pa, lalaki si Dion may pangangailan rin. Pano kung sa iba niya hanapin yung pangangailan ng katawann niya kung hindi ko siya pabibigyan?" depensa ko dito.

Umiling lang si papa. "Hindi mangyayare yan anak, takot lang nun na kunin ko kayo pag nagloko siya."

"at isa pa Dani, maiintindihan naman ni Dion kapag sinabe mo sa kaniya ang pinag-usapan nyo ng papa mo ngayon." ani ni mama sa akin.

Hindi sa, hindi ako pumapayag sa gusto nila muna mangyayare. Natatakot ako baka maghanap ng iba si Dion. Hindi lang ako ang minahal niya, si Ella rin na nandito na umaaligid sa asawa ko kapag wala ako.

Madaming tanong pumasok sa utak ko. Pano kung doon niya hingin ang pangangailan niya? Pano kung bumalik ang nararamdaman nito kay Ella pag tatanggihan ko siya?

Takot ang naramdaman ko para sa mga anak ko pag iniwan kami ng ama nila.

Umiling lang ako sa naisip ko.

"Hindi ka pumapayag anak?" tanong ni mama.

Nagulat ako sa tanong ni mama. "Ma, hindi po may iniisip lang po ako hindi ko alam na napailing na ako." katweran ko dito.

Napatango lang si mama sa sinabi ko. "Nererespeto namin ang relasyon nyo mag-asawa anak, pero sana respetuhin nyo din muna ang disesyon namin na wala muna mangyayare sa inyo." aniya. "Naiintindihan mo ba anak?"

My Gentleman But Jerk Husband  Where stories live. Discover now