Chapter-16

154 13 0
                                    

This is unedited!

---

"D-dion?" utal na saad nang babae habang nakatingin sa asawa ko.

Anong meron? Bakit niya kilala ang asawa ko? tanong ko sa sarili ko.

Pinagmasdan ko ang babae at subra akong namang sa kaniya. Subrang ganda niya bagsak ang itim na buhok na hanggang balikat nito, matangos ang ilong, maganda ang hulma ng katawan na mapapansin mong isa itong modelo, kutis porselana na napaka kinis, at bilogan ang mata na bagay sa maliit niyang mukha at labi na parang hugis puso na maliit lang.

Napatingin ako sa dibdib niya, malaki naman pero mas malaki ang akin at mas maganda parin ako sa kaniya kahit buntis ako.

Hindi naman niya malalaman na kinukompara ko siya sakin, nagsasabe kasi ako ng totoo. Hehehe

Pero napansin ko nangingilid ang luha nang babae habang nakatingin parin kay Dion bago tumingin sa akin na parang nasasaktan na katabi ako dumako pa sa tiyan ko ang mata niya at kita ko roon ang lungkot at sakit sa mga tingin niya.

Tumingin ako kay Dion na parang ibang tao siya ngayon, wala akong makita na kahit anong reaksyon dito kaya medyo natakot ako sa kaniya dahil medyo humihigpit ang pagkakahawak niya sa tagiliran ko.

Hinawakan ko ang kamay niya para luwagan ang pagkakahawak niya sa ibabang tiyan ko dahil humihigpit ito at baka masakal niya isa sa mga bata. Baka lang naman..

Napansin ko rin na parang gulat ang mga hindi pamilyar na mga mukha na nakatingin sa asawa ko.

Pero maya maya lang ay umiwas sila ng tingin sa asawa ko at bumaling ang tingin nila sa pamilya ko.

Napatingin ako kay kuya Rey na namamaga ang gilid ng labi nito habang yakap ito ni tita Liza. Hahakbang na sana ako pababa nang hagdan pero hindi ako makaalis sa bisig ni Dion.

Tumingin ako rito at naroon parin ang madilim na tingin sa babae pero pinasawalang bahala ko lang.

saka na ako mag tatanong sayo,mamaya ka sakin.. bulong ko sa sarili ko.

"B-babe, baba na tayo." nauutal na saad ko sa Asawa ko.

Tumingin ito sa akin at bigla naging malambot ang mukha nito sa akin. Hinalikan niya ako sa noo bago hinawakan n'ya ulit ang tiyan ko nang marahan at inalalayan akong bumaba.

Pagkababa namin kahit hindi ako nakatingin sa babae, napansin ko sa gilid ng mata ko kung pano kami sundan ng tingin nito.

Pero hindi ko nalang ulit pinansin dahil kay kuya Rey lang gusto ko ibaling ang atensyon ko.

Pero napahinto ako sa paglalakad nung marinig ko ang pigil na hikbi nang babae nung lampasan namin ito.

Ano ba meron? Bat siya ganyan?

Tumingin ulit ako rito pero naka tingin parin siya sa asawa ko na parang wala lang kay Dion na may mga mata na naka tingin sa kaniya.

Subrang gwapo ba ng asawa ko para hindi niya malihis ang tingin nito kay dion at nagingilid pa ang luha niya, o dahil nagugulat sila dahil may buteteng inaalalayan si dion na hindi tanggap ng mata nila kaya sila naluluha..  napanguso nalang ko sa mga naisip ko.

Lumapit ako kay papa na katabi si tita liza at nasa gilid naman ni kuya Rey si Lolo.

"Pa, ano po meron?" tanong ko kay papa.

Ngumiti ng maliit si papa sa akin bago ako hawakan sa balikat nito.

"Anak, dun na muna kayo ni Dion sa taas may pinag uusapan lang kami dito." saad ni papa sa amin at tumingin ito kay Dion na parang kinakausap sa pamamagitan ng mata.

My Gentleman But Jerk Husband  Where stories live. Discover now