Chapter-20

145 11 2
                                    


This is unedited!

-

DANICA'S POV

Ganito pala kahirap kapag may apat na batang inaalagaan. Pasalamat nalang kami ni Dion dahil hindi kami pina pabayaan ng mga magulang namin.

Nung una naiyak nalang ako bigla dahil sabay sabay ang Qaudru sa pag-iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko nun, maging si Dion natataranta dahil pati ako nakisama sa pag iyak sa mga bata.

Minsan imbis na ang mga bata ang papatahanin ako ang una niyang inaalo, kaya minsan natatawa nalang sina mama dahil binubuhat ako ni Dion na parang bata habang hinahaplos likod ko.

Saksi ang mga magulang namin kung gaano kaganda ang relasyon namin ni Dion. Pero hindi ko maiwasan kabahan, lalo na may umaaligid sa asawa ko na babae sa kaniyang nakaraan.

Hindi ko hahayaan na masira ang pamilya namin ni Dion, dahil sa babaeng desperada lang.

Bumaling ako sa mag-aama ko na mahimbing ang pagkaka tulog. Habang nag pupump naman ako ng gatas para hindi na ako mahirapan magpadede sa kanila.

Oo, sa kanila. Kasama ang ama na gusto rin sumuso pagkatapos ng mga anak niya. Tsk!

Simula nang matikman niya ang gatas ko, hindi niya ako tinigilan dahil gusto niya rin dumede, dahil asawa ko daw siya at siya ang kasama ko sa pag gawa ng mga bata.

Napaka loko talaga....

Binaba ko muna ang Breast pump ko bago lumapit kay dion para kumutan ito nung makita ko wala na siyang kumot.

Hinaplos ko ang medyo may kahabaan na niyang buhok na nakatali palagi.

Alam ko, Babe. Hindi mo ako iiwan pero ramdam ko masasaktan mo ako. Napangiti nalang ako sa naiisip ko. Handa kong harapin ang mga pagsubok na ibigay satin, dahil alam kong walang bibitaw satin.

Napatingin ako sa pinto nung dahan dahan itong bumukas. Bumungad si lola habang may hawak na isang basong gatas na gawain nila ni mama na ipagtimpla ako sa ganitong oras.

"Apo, ito na ang gatas mo." pabulong na saad ni lola nang makalapit siya sa akin.

Nginitaan ko ito bago ininom ang gatas na bigay niya. Alas dos na nang madaling araw, gising na si lola at ni mama para tulungan kami ni Dion sa pag papadede sa mga bata. Minsan nandito lahat sila, pag alam nila pagod si Dion dahil sa tambak na trabaho kahit nasa bahay lang siya.

Pagkatapos ko uminom ng gatas, pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko sa pag kuha ng gatas sa dibdib ko.

Naramdaman kong lumubog ang kama sa likod ko dahilan para balingan ko ito ng tingin.

Nag tama ang mata namin ni Dion na mukhang inaantok pa. Simula nong mag buntis ako hindi na siya umalis sa tabi ko. Napaka alagain niyang asawa kahit minsan minamanyak nya ako na pinapaboran ko naman.

Dito na rin niya ginagawa ang trabaho sa kompanya. Minsan sina Daddy Zion at kuya Zayden nalang ang nakiki pagkita sa mga ka-Business partner ni Dion at sa mga nag iinvest sa kompanya na pag-aari niya.

Minsan nagugulat nalang ako napaka seryoso niya sa trabaho, kapag katawagan niya ang sekretarya niya ang lamig ng boses niya at englesero ang lolo nyo kapag nakiki pag-usap sa ibang tao.

Pag ako ang kausap parang tambay lang sa kanto ang salita niya..

Dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ko napansin naka yakap na pala si Dion sakin mula sa likod. Tumingin ako kay lola na naka ngiti lang naka tingin samin kaya nginitian ko din ito pabalik.

My Gentleman But Jerk Husband  Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang