Chapter-17

164 14 0
                                    

This is unedited!

-

Naka tunganga lang ako habang naka tingin sa dalampasigan. Pagka tapos namin mag usap ni Dion nong nakaraan, dito niya ako dinala sa may resthouse niya noon kung saan malapit sa dagat.

Hindi ko maalis sa isipan ko ang huling sinabe ni Dion sa akin isang linggo na ang nakalipas.

Ang buong akala ko ako ang una niyang minahal, pero naalala ko ako lang pala ang una niyang naging kasintahan.

Bago niya sabihin sa akin sa kotse ang tungkol sa babae ay parang nawalan ako ng gana sa lahat. May gusto pa sana siyang sabihin pero hindi ko na siya pinansin.

Hindi naman ako galit, seguro nag tatampo ako dahil hindi ko man lang alam na may unang dumating sa buhay niya bago ako.

Umalis ako sa bintana at bumalik sa kama para mahiga ulit. Nasa labas si dion, hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya.

Isang linggo ko na hindi pinapansin si dion, maging ang pagkain ko ay dinadala nalang niya sa kwarto na tinutuluyan ko. Hindi niya ako magawang kausapin dahil hindi ko siya pinapansin. Kapag tatabi siya sa akin matulog ay umaalis ako at lilipat ako sa kabilang kwarto.

Minsan gusto ko na siyang kausapin dahil gusto ko malaman kung bakit siya iniwan nang babae pero may umuudyok sakin na manahinik nalang.

Biglang bumukas ang pinto kaya nag kunware akong natutulog.

Narinig ko ang mga hakbang niya palapit sa kama bago ko maramdaman tumabi siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit na parang ayaw na nya akong paalisin.

"Babe.." Mahinang bulong niya sa akin.

Napa pikit ako ng mariin dahil sa boses niya na puno nang pangungulila. Hindi ko na matiis ang hindi pamamansin sa kaniya at hinarap ko na si Dion, nagtama ang mata namin at nakita kong namamaga ang mata niya. Umiyak ba siya?

Yumakap ako sa kaniya at humiga sa braso niya habang mag kaharap kami sa isa't isa na naka tagilid pareho.

Tumingala ako sa kaniya para makita ko siya ng maigi at nakita kong may luhang tumulo sa mata niya kaya pinunasan ko ito.

"S-sorry." nanginginig ang boses niya habang naka tingin sa akin.

"Sorry kasi?" mahinahon kung tanong dito.

"Sorry for not telling you about my past." malungkot niyang ani sa akin.

Tumango lang ako rito at hinalikan ng mabilis  lang sa labi.

"Sorry din kasi hindi kita pinapansin, hindi ko lang matanggap na may babae ka palang unang minahal bago ako." nangingilid ang luha ko habang naka tingin sa kaniya.

Hinalikan niya ako sa noo ng mariin bago hawakan ang pisnge ko at pinatitigan ako sa mata.

"Hindi ko sinabe sayo kasi hindi naman importante ang nakaraan ko." Ani niya sa akin.

Naalala ko ang sinabe ng babae sa akin nung umalis si Dion para kuhanin ang kotse. Gusto ko malaman ang tungkol sa kanila, at kung totoo ang mga sinsabe nung babae.

"Gusto ko malaman kung bakit ka iniwan nong babae." deretsahang saad ko kaniya.

Kita ko kung pano manlaki ang mata ni dion parang takot niyang sabihin sa akin.

"B-babe, hindi naman importante yun diba?" kinakabahan niyang tanong sa akin.

Nagkunware akong tatalikod nang pigilan niya ako at hinawakan ang likod ko.

"Basta wag ka magalit ah?" kinakabahan niyang tanong sa akin.

Tumango ako dito.

Napabuntong hininga nalang siya bago simulan mag kwento.

My Gentleman But Jerk Husband  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon