Chapter 28

96 7 0
                                    

This is unedited!

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated.

N/A: Sorry sa matagal na pag update.. alipin muna ngayon sa pera ang jejemon na author nyo HAHHAHAH

-

Jessell's POV

Kanina pa ako naiinis dito sa babaeng tudo pa cute sa asawa ng kaibigan ko.

Mahabaging hangin, kung pwede lang magsalita kanina ko pa ito nabara.

Alam na kasing umiiwas si Kuya Dion tapos pilit na dumidikit siya sa tao.

Asan na kasi yong maganda kong tropa, para makita niya na may lintang gustong dumikit sa pag-aari niya.

Kanina pa yon hindi namin makita simula nag walk-out dahil sa biro ni kuya Dion. Buti nalang talaga hindi bumibigay si Kuya Dion sa babaeng tudo pilit na pahiran niya nang lotion katawan nong babae.

"Ella, lasing ka na." malumanay na saad ni kuya Dion dito.

"H-hindi ako lasing ah." ani naman ni Ella. "Gusto lang kita makasama maligo sa dagat." pahabol nito habang binigyan si Kuya Dion ng matamis na ngiti.

Yuck..

Lalapit na sana ito kay kuya Dion pero pinigilan siya nito. Kinuha ni Kuya Dion yong lotion.

Parang nabuhayan yong mukha ni Ella nong kinuha ni kuya Dion yong lotion pero nawala din agad dahil pabatong binigay ni Kuya kay Ian yong lotion.

Nagsigawan yong mga kaibigan namin dahil mukhang hindi alam ni Ian kung ano ang gagawin niya sa hawak niya.

Pinandilatan ko ng mata si Ian nang magtama mata namin. Napalunok lang ito bago ibigay yong lotion kay Sandro.

Habang binalik naman ni Sandro ang hawak niya kay Ella na nakatulala lang ngayon.

Pero napanganga nalang ako nong bumaling yong tingin ko sa nagseksihang mga babae na naglalakad palapit samin.

Napatayo ako bigla at napasigaw nong makilala ko ang mga ito.

"OMG! ANG SE-SEXY NILA BAKLA!" sigaw ko habang namamangha pa sa babaeng naka suot nang dalawang maliit na saplot na kulay pula.

Kita ko din napatayo si Kuya Dion habang nakatingin sa babaeng nasa gitna.

Gusto ko matawa dahil pinapatalbog pa ni Danica yong dibdib niya habang palapit samin.

"Parang baliw si Danica." natatawang sabi ni Hannah.

Sumang ayon ako sa sinabi niya.

Grabi yong pinagbago ni Danica, subrang blooming tignan. Para siyang hindi nanganak nang apat na sanggol.

Ang ganda rin ng hulma ng katawan. Kita din yong malulusog niyang dibdib. Maiksi lang din yong suot niyang shorts na nababagay sa hugis ng hita niya.

Agaw pansin yong kutis niya na parang gatas. Seguro dahil hindi siya lumalabas ng bahay para lang mag-alaga ng mga bata at palagi din mahaba ang suot, kaya nakaka panibago na nakausot siya ng ganitong kaikli.

Napansin ko din si Kelly na naka suot rin nang maong shorts na naka blue na two piece. May suot rin itong salamin na masasabi mong galing siya sa marangyang pamilya.

Kahit siya napakaganda rin tingnan.

"Si Brenda ba yarn?" parang namamanghang tanong naman ni Lara.

Napatingin ako sa gilid ni Danica na Busy sa pagkalikot sa kuko niya.

Napanganga ako dahil para siyang manika sa ganda. Kung hindi lang namin alam na bakla ito, baka nga na scam niya kami na babae talaga siya, pero para talaga siyang totoong babae dahil sa hulma ng katawan niya na pang babae.

My Gentleman But Jerk Husband  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon