Chapter-07 RESULTS

266 16 0
                                    

This is unedited.

Trigger warning: This chapter contains sensitive topics/discussions. Please beware, thank you.

---------------

Nagising ang diwa ko nang maramdaman kong may humahalik sa pisnge ko at sintido habang may binubulong ito sakin.

"Wake up babe." ani ng lalaking pamilyar na boses.

Kaya marahan kong iminulat ang aking mata at nagtama ang aming mata ni Dion.

Nilibot ko ang hindi pamilyar na silid; agaw pansin ang kalagayan ng aking mga kaibigan na sila Ian,Jess at Sandro na nakaupong natutulog sa mahabang sofa.

Doon ko lamang napagtanto na nasa loob kami ng hospital.

Bigla ko nalang naalala ang nangyare sakin kung bakit ako narito, dahil sa pag kawalan ko ng malay kanina.

Ang huli ko lang maalala ay ang mabilis na pag salo sakin ng aking pinsan at ang pag buhat niya sa'kin.

"B-babe?"

Hindi ko sinagot ang tawag sa'kin ni Dion bagkus ay bumangon ako para makaupo ng maayos habang inalalayan naman ako nang aking kasintahan at inabutan ng tubig.

"Ilang oras na akong walang malay?" tanong ko dito bago inumin yung tubig na inabot niya sa'kin.

Pakiramdam ko uhaw na uhaw ako at kaya binigyan niya ulit ako ng isa pang salin nang tubig.

Pakatapos ko uminom ay ibinigay ko na sa kaniya ang baso na inabot naman niya at nilagay sa mesa na malapit samin.

Umupo ito sa gilid ng kama bago haplusin ang pisnge ko at malamlam itong tumingin sa'kin bago ako yakapin.

"Dalawang araw ka nang walang malay. Sorry, muntik pa kayo mapahamak ng mga bata dahil sa'kin." saad nito habang naramdaman ko ang pag higpit nito sa'kin sa pag kakayakap.

Mahigpit pero naroon parin ang pag iingat na parang ayaw ako masaktan. Pero wala doon ang aking atensyon kundi sa huli niyang sinabi.

Humiwalay ako sa pag kakayakap niya at nag tatakang tumingin ako sa kaniya dahil sa huli kong narinig.

"B-bata? May nangyare bang masama sa akin at wala akong maalala about sa mga bata na pinag sinasabi mo?" kinakabahan kong tanong dito na may halong pag-alala na rin sa mga bata na tinutukoy niya.

Ngumiti siya sa akin bago yakapin ulit, naramdaman ko nalang ang kamay niya na nasa tiyan ko na humahaplos doon.

Baliw talaga itong lalake, kahit sa hospital walang patawad.tsk!

Pinalo ko ang kamay nito na nasa tiyan ko. "Hanggang dito ba naman Dion, manyak ka?" madiing saad ko dito at pinanlakihan ng mata.

Natawa siya sa inasta ko kaya tinulak ko siya paalis sa kama, hindi ko sinasadyang napalakas ang pag tulak ko sa kaniya kaya napa salampak siya sa sahig.

"F*ck! M-my Balls, m-may n-naipit yata.." daing niya habang hawak ang nasa baba ng nasa pagitan niya.

"Ang arti mo,Dionggo ka."ani ko dito.

Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala, maya-maya lang ay ngumisi siya at tumayo sa pagkaka salampak.

Lumapit ito sakin na mukhang nawala na yung iniindang sakit.

"Hindi mo ba alam, na ito ang dahilan kung bakit tayo naka apat dahil sa laki nito at sa daming nilalabas." saad nito habang may panunuksong ngisi.

My Gentleman But Jerk Husband  Where stories live. Discover now