Chapter 27

70 7 2
                                    

This is unedited!

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated.

N/A: Sorry sa matagal na pag update.. alipin muna ngayon sa pera ang jejemon na author nyo HAHHAHAH

-

DANICA'S POV

Kanina ko pa pinagmamasdan si Dion habang kausap si Ella. Ngayon ko lang din nalaman na mag-kasosyo yong dalawang  kompanya ng mga  San Diego at Valdez.

Bago kami lumabas nang cabin, kinausap muna ako kanina ni Dion tungkol sa kompanya na pag-aari niya kung saan ka business partner niya si Ella.

Nakinig lang ako sa mga sinasabi niya kahit wala naman akong maintindihan.

Habang wala pala si Dion sa kompanya ay nag invest ng malaking pera ang pamilyang Valdez para sa partnership kuno sa kompanya na pag-aari na ng asawa ko.

Baka balak e-reto yong anak nila sa asawa ko..

May kutob din ako na si Ella ang may kagagawan, para lang mapalapit siya sa asawa ko. Sa kutob na yon ramdam ko yong takot ko dahil hindi ko pa kilala si Ella kaya hindi ko pa alam kung ano yong tumatakbo sa utak nito.

Natatakot din ako na baka bumalik din yong nararamdaman ng asawa ko kahit sabihing ako na ang mahal niya.

May mag-asawa nga na mahal na mahal nila ang isa't isa pero nagkakaron parin ng pagkakamali ang bawat isa, kaya hindi magtatagal hahantong ito sa paghihiwalay at maapektuhan ang mga anak na mabibigyan ng hindi buo ang pamilya.

Huhuhu, kung ano ano na yong iniisip ko. Subrang kabado trenta ako, May tiwala naman ako sa asawa ko pero sa babae? Wala.

Maganda si Ella kaya may posibilidad na pwede matukso at bumalik yong pag hanga ng asawa ko sa kaniya. Hindi naman kasi mahirap magustuhan si Ella, parang nasa kaniya na ang lahat.

Para siyang maamong topa kapag nakaharap sa asawa ko o sa ibang tao maging mga kaibigan ko parang nagustuhan siya. Pero pakiramdam ko kapag ako yong kaharap nito, sinisigurado ko magtatarayan kaming dalawa.

Kung noon ayos lang yong paghaharap namin dahil buntis ako parang gumagawa siya ng excuse, pero ngayon pakiramdam ko may mangyayare na hindi maganda sa pagitan namin kapag kami lang maiwan mag-isa.

Sa panahon ngayon uso na yong mga plastic na tao. Plastic siya, palaban naman ako.

Huminga ako ng malalim dahil sa naisip kong kalokohan na naman.

Kilala din pala si Ella nang pamilya ni Dion, hindi ko alam pero nakaka ramdam din ako ng inggit, dahil close na close ni Ella yong mommy ni Dion.

Bihira ko lang din makusap ang mommy ni Dion. Minsan lang ito bumisita sa bahay para bisitahin yong mga apo nila kaya bihira lang din kami magkausap. Tatawag man ang mga ito pero si Dion lang yong nakakausap nila.

Alam din pala ng magulang ni Dion na nililigawan ito ng anak nila noon. Mabait naman ang magulang ni Dion, hindi naman sila katulad ng mga mayayaman na tatapunan ka ng madaming pera para lumayo ka dahil mahirap ka.

Hindi sila mapili, basta't alam nilang masaya ang mga anak nila masaya na rin sila.

Nakamasid lang ako sa dalawa at kita ko yong saya sa mata ni Ella kapag kausap niya ang asawa ko. Habang yong asawa ko naman ay natural lang makipag usap dito.

Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw ng labi ni Dion maging ang pag tango nito. Nabigla pa ako nung bumaling nang tingin sakin si Dion, buti nalang nakabawi kaagad ako kaya binigyan ko ito ng matamis na ngiti na sinuklian naman agad niya.

My Gentleman But Jerk Husband  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon