Chapter-12 BULLY?

163 12 0
                                    

This is unedited!

---

Nagulat ako nung biglang may umuungol dahil sa kakaibang alarm clock ni Dion na malapit sa tenga ko. Napabangon nalang ako dahil sa inis, at napabaling ako sa kaliwa ko kung saan mahimbing ang tulog ng asawa ko kaya piningot ko ang ilong nito na ikinangiwi niya kaya binitawan ko na ilong niya, kinukusot naman niya ang ilong na akala mo'y malakas yung pag ka pingot ko.

Namumungay lang mata nito na nakatingin sakin habang nakahiga pa siya.

"Letse ka! Bat mo nilagay yang panget na orasang isturbo na yan malapit sa tenga ko!" sigaw ko dito at sinabunutan ng mahina habang natawa naman siya at hinawakan ang kamay ko para pigilan ang pananabunot ko sa kaniya bago siya bumangon.

Tiningnan niya ako na parang nakakita siya ng nakaka tawang alien. Aabutin ko pa sana ang buhok niya nung pinigilan niya ako at dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan iyon bago inayos niya ang magulo kong buhok.

"Sabi mo kagabe gisingin kita ng maaga dahil may lakad tayo." informa niya kaya pinagkunutan ko siya ng noo dahil wala akong alam sa sinasabe niya.

Hihiga pa sana siya sa kama nung hatakin ko ulit siya paupo.

"Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo." naguguluhan kong saad dito kaya napahawak siya sa baba niya na parang nag-iisip at tiningnan ang bagay na kinakaayawan ko.

Kinuha niya ang b*wsit na alarm clock na hindi ko alam kong saan niya nakuha yun.

"Sinabe mo sa akin na gisingin ka ng maaga, at sabe mo pa paghindi pa kita magising eh gumawa ako ng paraan para maaga kang gumising." saad niya at inosente niyang pinakita ang alarm clock na T*T* ang disenyo. "at ito ang makaka pag pagising sayo." pahabol na saad niya at natawa pa siya ng malakas sa itsura ko dahil parang sasabog na ako sa subrang bw*sit sa kaniya.

"Wala ka bang alarm clock na hindi bastos sa umuga! Tarantado ka dion! Akala ko kung anong umuungol na tunog sa tabi ko, pasalamat ka hindi na sa kwarto ko natutulog sina mama." hinampas ko siya sa braso na ikinatawa ulit niya ng malakas.

Pinatalikod niya ako habang natatawa pa at sinuklay ang buhok ko bago niya talian, pinaharap niya naman ako sa kaniya.

"Effective naman diba? Nagising ka nga eh." saad niya habang may nakakalokong ngiti sa labi, kaya inirapan ko lang siya at bumaba naman siya sa kama.

Tumayo na din ako at tinulungan pa niya ako bumaba. Pwumisto ulit siya sa likod ko at inalalayan akong lumakad pa cr.

Binuksan niya ang pinto ng cr habang nasa likod ko siya at inalalayan ulit ako. Hinawakan niya ng maayos ang pag hawak sa ilalim ng tiyan ko na parang pinapasan niya ito.

Nung makapasok na kami inalalayan niya akong maupo sa plastic na upuan sa may cr ng kwarto ko. Ganito palagi ang morning routine namin. Sabay kami maliligo at siya nagpapaligo sa akin dahil oa siya.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko habang nakaupo nung lumapit siya sa akin at hinawakan ang dulo ng Bestida ko bago hinubad niya ito.

Nilagay niya ang damit ko sa basket na lagayan ng maruming damit namin na si Dion rin naglalaba tuwing weekend.

Tinaasan ko si dion ng kilay nung panasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko kaya tinapik ko ang matigas niyang tiyan dahil pinag nanasaan naman niya ako nung mapansin kong tumaas ang gilid ng labi niya.

Pero bigla nalang nangunot noo niya nung makita niya ang sa mga gilid ng tiyan ko.

Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ng marahan ang tiyan ko kung saan madaming kamot na namumula na.

My Gentleman But Jerk Husband  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon