Chapter 26

98 11 0
                                    

This is unedited!

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated.

N/A: Sorry sa matagal na pag update.. alipin muna ngayon sa pera ang jejemon na author nyo HAHHAHAH

-

DANICA'S POV

Pinagmamasdan ko lang si Dion habang natutulog. Hindi na kami lumabas pa kagabi sa cabin dahil baka kung ano pa ang mangyare sa pagitan nila ni Jordan.

Kaya wala akong ginawa kagabi kung hindi lambingin siya para mawala ang inis niya. Hinayaan ko nalang rin siya kagabe na manyakin ako. Gusto pa sana n'yang humirit kagabe, pero syempre dahil gold ako hindi ako pumayag. Hahaha charrr.

Hindi lang ako pumayag sa gusto niya dahil baka sumakit katawan ko. Mag-aalaga pa ako ng mga bata dahil mukhang tinamaan na siya ng alak l, kaya seguradong hindi niya ako matutulungan sa pag-aalaga ng mga bata ng maayos sa pag ka lasing niya.

Kaya ang ginawa ko lang hinaplos ko ang mukha maging buhok niya, hanggang sa makatulog na kami pareho.

Maaga rin akong nagising sa katok at tawag ni mama kanina, kailangan ko pa painumin ng gatas ang mga bata.

Biglang gumalaw si Drino kaya tinapik-tapik ko nang mahina ang hita nito para makatulog ulit ito.

Pinagigitnaan namin mag-asawa ang quadru para hindi ang mga ito mahulog , habang naka tagilid ako paharap sa kanila ay pinagmamasdan ko silang lima.

Subrang swerte ko sa kanila. Kahit sa edad lamang na bente may inaalagaan na agad akong mga bata na galing mismo sa'king dugo't laman.

May asawang mapag-mahal at maalaga. Hindi ako hinahayaan magagod pwera nalang sa bagay na parihas kami pagod kinabukasan. Minsan hindi niya ako maiwan-iwan kapag aalis siya upang bisitahin ang kompanya na pinapamahalaan niya.

Sisiguraduhin na muna nito kung ayos lang ako o ang mga bata bago siya umalis at ibilin muna kami sa mga magulang ko upang tulungan sa pag-aalaga sa mga bata.

Kaya dalangin ko lang na sana tuloy-tuloy lang ang masaya naming pagsasama. Kung may tampuhan man agad namin pag-uusapan at hindi namin hahayaan na umabot pa sa sigawan at hiwalayan na maganap.

Napabaling ang tingin ko kay Drina nung humikab ito. Napangiti ako dahil Kakaiba siya, subrang singkit niya. Magandang bata pag laki.

Isa pa sa mga dalangin ko na sana hindi sakitin ang babae kong anak pag laki. Mas gugustuhin ko nalang na ako ang magkasakit wag lang ang mga anak ko maging ang asawa ko.

Tama nga ang sabi ni mama, makakalimutan mo ang sarili mo pag ang mga anak mo ang iniisip mo dahil sila ang magiging unang priority mo.

Naiintindihan ko na ang mga magulang ko, naging priority nila si ate dahil may sakit ito. Kailangan ng kalinga at iparamdam dito na hindi ito mag-isa.

Minsan puro si Drina lang rin ang naalagaan ko kapag umiiyak ito, hindi naman ako nangangamba na baka matulad ang mga anak kong lalaki sa akin na nagtampo sa magulang.

Dahil hindi ko hahayaan na umabot 'yon sa punto na magkakaron ng tanim nang sama ng loob o tampo sa amin ang mga bata.

Habang bata pa ang mga anak namin ni Dion, gusto ko pati sila iparamdam sa kapatid nila na espesyal ito. Hindi lang sa kapatid nila na babae ang aalagaan nila kundi ang samahan nilang apat.

Subarang swerte ko dahil pakiramdam ko mapapalaki namin ng maayos ang mga anak namin. Ayaw ko rin maramdaman nila na may paborito kami sa kanilang apat may sakit man ito o wala, dahil gusto ko pantay pantay ang tingin nila sa isa't isa. Gusto rin namin mag-asawa na maging malapit sila sa isa't isa pag laki.

My Gentleman But Jerk Husband  Where stories live. Discover now