Chapter-11

179 13 0
                                    


This is unedited!

N/A: Yes po, masyadong detalyado talaga yung pagsusulat ko..kaya pasensya po LOL

-

Pabaling baling lang ako ng higa dahil nabibigatan na ako sa tiyan ko. Mag aanim na buwan na rin akong buntis, para na rin akong butete dahil sa laki ng tiyan ko at subrang pagkataba.

Baka ayawan na ako ni dion.. Huhuhu

Makalipas ang tatlong buwan na pag bubuntis ko, gaya nang pinag usapan namin ni dion kinasal kami sa palawan kung saan may pag-aari sila doon. Pamilya at kaibigan lang ang inimbitahan sa kasal maging ang mga taong malalapit sa amin.

Nandito kami sa sala nina mama kasama yung jowa ni ate at kuya na nag-uusap tungkol sa trabaho nila.

Simula nung kinasal kami..dito na kami sa bahay tumira muna ni Dion pansamantala, habang inapaayos pa ang bahay niya na gusto naman niya agad matapos.

Pinagiba niya ang dating bahay niya at pinalaki pa yun para hindi na daw paayusin pa pag malaki na ang mga bata.

Gustong-gusto na niya lumipat kami ng bahay dahil pakiramdam niya naka limitado lahat ng galaw niya.

Ayos lang naman na narito pa kami sa bahay, Ang problema palagi siya nasesermunan kapag di maganda pakiramdam ko dahil alam ng magulang may ginawa naman kaming kababalaghan kapag wala sila.

Kaya pag nagtatalik kami ni Dion, tinatakpan niya lang bibig ko para hindi ako mag iingay dahil minsan sa kwarto namin natutulog sina papa, grabe lang ang tuwa noon ni dion nung hindi natulog ang magulang ko sa kwarto kaya iniumaga nya akong inangkin nun ang kaso napasama kami sa ginawa.

Dahil kinaumagahan nun sa kwarto lang ako pinakain ni Dion dahil hindi ako maka lakad ng maayos nun dahil masakit ang sa pagitan ko at nanginginig ang hita ko kaya napapaupo lang ako kapag tatayo.

Nasa trabaho nun si dion nung pumasok si mama sa kwarto ko. Napansin niyang namumutla na ako kaya dinala agad ako sa hospital, galit na galit nun si papa. Kaya nung pag dating ni Dion sa Hospital ay binantaan agad siya ni papa kapag daw naulit na dinala ako sa hoslital dahil sa kalib*gan niya ay ilalayo na ako sa kaniya.

Subrang natakot nun si dion sa banta ni papa, kaya walang araw na hindi siya umiiyak sa harap ko at humingi ng tawad na hindi na niya uulitin. Minsan nga naabutan siya nina papa na umiiyak at narinig ang sinabi na wag ko daw siyang iwan.

Minsan sa bahay l niya siya natutulog na ikinalungkot ko palagi pag hindi siya sa bahay natutulog maiwasan lang na masaktan ulit ako.

"Danica, nakabusangot ka na naman." sabi ni papa.

Tiningnan ko si papa habang kumakain ako ng potato salad na gawa ni mama.

"Galit po ako papa, wag mo akong kausapin." naka busangot kong saad kay papa.

Natawa sina mama dahil alam nila kong bakit ako nag iinarti.

Nakahiga ako sa sofa bed na bili ni Dion. Dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita dahil may business trip sila ni Daddy niya sa NYC.

"Anak, Sagutin mo daw tawag ng asawa mo." pinakita ni mama text ni Dion sa kaniya.

"Ayuko ko nga." sabi ko sabay irap. "Sabi nya uuwi sya kahapon, hindi naman pala." tumayo na ako dahil naiiyak na naman ako.

Alam ko nakatingin sa akin sina mama, pero hindi ko pinansan. Diretso lang ako sa lag-akyat papunta sa kwarto at nahiga.

Wala akong ginawa kundi umiyak lan ng iyak habang yakap ang unan niya. Miss na miss ko na siya.

My Gentleman But Jerk Husband  Donde viven las historias. Descúbrelo ahora