Chapter 22

107 11 1
                                    

This is unedited!

-

DANICA'S POV

Makalipas ang tatlong araw walang ginawa ang mga kaibigan ko na bwisitin kami sa bahay na ikinatuwa naman ni Dion dahil walang ginawa ito kundi utusan ang uto-uto kong mga kaibigan na lalaki sa mga gawaing bahay.

Pero may kapalit daw ang pag tulong nila, bibilhan sila ng Trigreca sneakers. Dahil interesado ako kung ano iyon humingi ako ng tulong kay pareng google.

Ganon nalang ang gulat ko nang makita ko na hindi simpleng sapatos lang ang pinapabili nila dahil nagkaka halaga ang sapatos nang fifty thousand.

Panty ko nga hindi ko pa mapalit palitan tapos sila makapabili sa asawa ko kulang nalang pati school supply mag pabili pa sila.

Ganon ka mahal? Gatas nga ng mga bata ayaw bumili si Dion, dahil may gatas pa naman daw ako, tapos sila bibilhan agad agad.tsk! Kausap ko sa sarili ko.

Napabaling ako kay Dion na naglalakad palapit sa amin habang may hawak siya na pang meryenda namin na nasa sala.

Nakatingin ito sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay na ikinataka niya.

Akala mo ah, hindi ko alam kong magkano yon. Lagot ka sakin mamaya.

Linapag niya ang pagkain na pinag tulungan yata nilang lutuin.

Tiningnan ko ang laman nito at nakita ko nakahanda doon ang pasta, may iba't ibang sauce para sa spaghetti, at para sa carbonara rin, meron rin ice cream na parang ginawa lang nila.

Rinig namin ang ingay sa kusina na parang nagkaka gulo sa hapagkainan.

Gusto ko sana mag inarte kaso kasama ko pala mga kaibigan ko, kaya tiningnan ko nalang si Dion at nakatingin pala ito sa akin. Napanguso nalang ako dito bago kumuha nalang ng makakain ko.

Habang kumakain ako kahit hindi ko tingnan si Dion alam kong naka masid lang ito sa akin kaya binalingan ko ulit siya ng tingin pero tumalikod na ito.

May kumalabit sa braso ko kaya tiningnan ko ito na may pagtataka.

"Ano yon? Bakit parang tinatarayan mo ang asawa mo? Magka-away ba kayo?" sunod-sunod na tanong ni Jess sa akin.

Nilapag ko ang tinidor na gamit ko at napa buntong hininga ako bago sila tingnan isa-isa.

"Iwan, parang nainis ako sa kaniya. Pumayag ba naman na bilhan ang mga unggoy na yon ng mga sapatos. Alam nyo ba kong magkano ang sapatos na gusto nila?" umiling sila sa tanong ko. "Aba, nagkakahalaga lang naman 'yon na mahigit fifty thou." anas ko sa kanila na mahina lang.

Ganon nalang ang gulat ko nang bigla silang nag si tayo.

"Dani, walang wala talaga ako. Kaya pasensya na, malapit na ang pasukan." saad ni Jess habang natatawa pa.

Lumabas sa kusina ang mga kaibagan ko kasama ang asawa ko habang may mga dalang pang-linis sa sasakyan at gamit sa paglilinis sa bakuran.

"Kuya Dion! May mga lalabhin ba kayo? kami na maglalaba." excited na saad nila max sa asawa ko na ikinatawa lang nito.

"Mga sipsip!" sigaw ni Drake habang may buhat na sako.

"Hoy! Lalaking walang Betlog. Wag ka'ng umepal." sabi ni Max.

"Ang pangit mo! Umalis ka nga dyan, dadaan ako." taboy ni Drake dito pero hindi siya makadaan dahil hinaharangan siya ni Max.

"Kuya Dion oh!" sumbong ni Drake kay Dion.

My Gentleman But Jerk Husband  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon