Chapter 2: Tanong

3.8K 273 196
                                    

Mag-aala sais na ng hapon pero nandito pa rin sa Juanico High si Ms. Garcia at nagbabakasakali na babalik pa rito sa classroom si Chloe, pero papalubog na lang ang araw at hindi pa rin bumabalik ang dalaga. Kabado niyang nilihis ang tingin sa gamit ng kaniyang estudyante saka siya nagpasyang lumabas muna sandali. 

Saktong pagsarado niya sa pinto ay nakasalubong niya na rin sa labas ang mga guwardiya na nag-uumpisa na sa pagronda at paninita sa mga estudyante na natira sa loob para utusan na magsi-uwi na. Agad niyang nilapitan ang guard na pinakamalapit sa kaniya. Nang mapansin  nito ang kaniyang presensya ay mabilis naman itong napalingon.

"Pasensya na sa istorbo pero nakita niyo po ba siya?" tanong kaagad ng maestra saka madaliang pinakita ang profile picture ni Chloe sa Facebook. Tinitigan naman ito nang mabuti ng guard at inaalam nang mabuti kung napansin niya ba ito kanina o hindi.

"Teka, bakit parang pamilyar sa'kin 'tong batang 'to?" aniya nang hindi inaalis ang tingin sa screen. Tinitigan niyang maigi ang nasa litrato na para bang pilit na inaalala kung saan niya nga ba ito nakita.

"Ito iyong sinasabi  nilang Chloe di'ba?" hindi siguradong tanong ng lalaki bago niya sinalubong ang tingin ng maestra. "Tama, siya nga 'to!"

"Napansin niyo ba siya kanina na lumabas ng gate, guard?" dagdag ng guro. Ilang sandaling natahimik ang gwardiya na para bang inaalalang mabuti kung nakalaalis na nga ba ito.

"Pasensya na, Ma'am. Pero ito pa lang iyong unang beses na hindi ko nakita ang bata na lumabas sa gate kaya sigurado ako na baka nandito lang iyon sa loob ng eskwelahan," komento nito bago sumenyas sa iba pa nitong kasama na guard. Rumadyo na rin siya sa iba pa para bigyan sila ng order.

"Hanapin niyo 'to," utos niya bago pinakita sa mga kasama nito ang picture ni Chloe. Kumuha sila ng tig-iisang kopya hanggang sa isa-isa na silang nagsi-alisan para mag-umpisa sa paghahanap.

"Huwag kang mag-alala, Ma'am. Paniguradong mahahanap din natin ang bata," pampalubag loob ng gwardiya bago tinanguan ang guro senyales na aalis na ito. Bago pa man makalakad si Ms. Blaire ay agarang tumunog ang cellphone niya kaya sandali siyang napatigil para tignan iyon. Matapos niyang mabasa ang pangalang nakatatak sa kaniyang screen ay doon siya muling dinunggol ng kaba nang ang mismong nanay na ng bata ang tumatawag sa kaniya.

Mrs. Montemayor calling...

Sandali munang pinakalma ng maestra ang kaniyang sarili bago nagpasyang sagutin ang tawag.

"Hello, Ma'am? Good evening po. Nandiyan pa rin po ba si Chloe?" paunang sambit ng babae na siyang naging mitsa kung bakit hindi siya kaagad nakasagot.  "Nakakapagtaka lang po kasi na umuwi ang driver ko rito sa bahay nang hindi dala ang anak ko." 

Sandaling nagkaroon ng ilang segundong katahimikan hanggang sa nagpasya na nga ang maestra na aminin ang kasalukuyang pangyayari.

"Mrs. Montemayor, si Chloe po... nawawala," diretsa niyang pag-amin na siyang naging rason kung bakit bigla na lamang hindi nakasagot ang nasa kabilang linya.

"A-Ano? Anong ibig niyong sabihin na nawawala ang anak ko?"  Nauutal nitong tanong. Ramdam na ng maestra ang matinding kaba at pagkapahiya lalo na at sa kaniya pa mismo ibinilin na bantayang maigi ang dalaga. Ngunit bigo siyang magampanan ang kaniyang tungkulin lalo na at nawawala nga ito ngayon.

"Nasa premises niyo siya, Ma'am kaya papaanong bigla na lang siyang nawala?"  hindi makapaniwala nitong tanong at kababakasan nang labis-labis na pagkadismaya at pag-aalala.

"Mrs. Montemayor, we're doing our part to find your daughter. Nagroronda na po ang mga guards sa buong Juanico High para hanapin ang anak niyo," pagpapakalma ng maestra at ilang saglit pa ay naririnig niya na ang paghagulgol nito kaya miski siya ay naaapektuhan na rin.

Save UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon