Chapter 8: Problema

1.6K 164 34
                                    

"ALISON!"

Kaagad sinikmuraan ni Alison ang guro saka siya yumuko at  padulas itong sinipa. Tuluyang natumba sa sahig ang maestro matapos bitawan ni Alison ang panghuli niyang atake. Hindi na inantay pa ni Cody na makatayo iyon ulit at kaagad na ginamit ang kurtina upang takpan ang mukha nito. Mariin niya itong inilibot sa ulo at ang sa gawing ibaba naman ay minadali niyang pinalibot sa leeg waring nais niya itong sakalin. Nang hindi na nga ito masyadong nakakakilos at napasailalim na ng kaniyang kontrol ay doon siya sumenyas kay Ledger. Sa isang tango niya lang ay  kaagad na nakakilos ang kaklase upang lapitan ang glass window para buksan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagawang makawala ng zombie dahil sa marahan nitong pagkilos. Napabitaw si Cody sa pagkakahawak nito na siyang naging mitsa kung bakit muli itong naging malaya sa pagkilos.

"Shit!" mura niya nang makitang agaran itong kumilos para tumungo sa pwesto nila Wren, akmang aatake na sana iyon pero nagmadali siyang tumakbo at doon niya iyon binangga patungo sa bintana. Iyon din ang naging mitsa kung bakit ito bumulusok paibaba.

Ilang sandaling katahimikan ang namutawi sa loob at tanging malalalim lamang na paghinga  ang siyang maririnig. Patuloy pa ring kinakain ng kaba ang kani-kanilang sistema dulot ng kahindik-hindik na nangyari. Kapwa sila napapasilip sa bintanang nilusutan ng maestro at mas lalo lamang silang nagitla nang muli itong tumayo at nakipagsabayan sa daloy ng mga zombie sa labas.

Sa kabilang banda, agarang nagtiim bagang si Alison at marahang nilingon ang kaklaseng nanghamak sa kaniya kanina. Diretso niya itong tinitigan at nang maramdaman nito ang matalim niyang titig ay mas lalo itong napayuko.

"Are you planning to kill me?" diretsa niyang tanong sa dalaga at daglian namang bumakas ang gulat sa mukha ng tinanong bago ito sunod-sunod na umiling. Muling napatiim-bagang si Alison dahil sa inaasal nito lalo na at may lakas-loob pa talaga itong tumanggi gayong kamuntik na nga siyang namatay dahil sa pagkasuwail nitong kilos. Kung hindi lang siya maagap at marunong sa pisikalang laban ay baka natuluyan na siya kanina.

"A-Are you crazy, Ali? Of course not. I-it was an accident, hindi ko naman intention na hilahin ka. I just w-want to protect myself from it!" depensa nito dahilan kung bakit mapait na natawa ang dalaga saka marahang pinasadahan ang nakatali niyang buhok.

"Talaga ba?" sarkastiko niyang tanong. "Sa kagustuhan mong protektahan ang sarili mo, hinila mo'ko para gawing pangharang sa pinagmamalaki mong teacher?" dugtong niya at bakas na  bakas talaga ang iritasyon sa mukha niya.

Kung sa pagtatalong nangyari kani-kanina lang ay may iilan pa sa kanila ang pumigil, ngunit ngayon ay tila ba nag-iba na ang ihip ng hangin dito sa loob. Walang ni isa sa kanila ang pumagitna o umawat man lang at hinayaan ang kaklaseng si Alison na ilabas ang nais nitong sabihin. Tahimik lamang ang lahat na napapasulyap sa pwesto ng dalawa.

"N-No, it's not what you're thin─"

"Papaano na lang kung nakagat nga ako no'n?"

"B-But you're not bitten naman eh. C'mon Alison, drop this a-argument will you? Safe naman tayong l-lahat ah," sagot ni Shilloh bago pilit na natawa.

Nang hindi pa siya nakuntento ay doon niya na tinitigan nang isa-isa ang mga kaklase niya sa pag-aakalang may kakampi sa kaniya. Gano'n na lamang ang pagkaasar niya nang wala man lang sa kanila ang nagtangkang umimik at sumang-ayon sa kaniya.

Save UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon