Chapter 28: Unanswered Questions

1K 101 3
                                    

"Shit, Wren!" Namutawi sa silid na kanilang kinalalagyan ang puno nang takot na sigaw ni Cody. Halos gumapang na  ang binata paitaas ng hagdan para lang daluhan ang dalaga na ngayon ay nananatili pa rin ang mga braso na nakasakal kay Quincy. Tila ba tinitiis nito ang ngiping nakabaon na sa braso niya sa kagustuhang tapusin ang binatang napakaimposible niyang mapatay. Mas lalo lang na bumakas ang sakit sa mukha ni Wren nang mas laliman pa ni Quincy ang kagat. Ilang segundo pa siyang nanatili hanggang sa hindi niya na nga pa nakayanan pang indahin ang sakit kaya doon na siya nagpumiglas para makawala.

Walang kahirap-hirap naman siyang binalibag ni Quincy dahilan kung bakit pabagsak siyang napatihaya sa sementadong sahig. Pare-parehong nagulat ang mga kasama sa nangyari lalo na at hindi nila lubos akalain na gagawin ito ni Wren

"A-anong ginawa mo sa ka─" kaagad na napahinto si Earlyseven sa pagsasalita nang marahan siyang lingunin ng binata. Halos mapaatras din siya sa takot dala nang matinding pagkaintimida sa pinapakita nitong kakaibang awra.

"Kung hindi lang sana nagmagaling 'tong putanginang 'to. Hindi ko sana kakagatin, kaso umepal eh. Kaya anong magagawa ko?" Natatawang komento ni Quincy bago dinura ang natitirang dugo sa kaniyang bibig. "But I won't regret biting her anyway. Her blood is so addicting to the point that I really want to taste her over and over again." Pilyo itong tumawa saka nilingon ang dalaga na nasa kamay na ngayon ni Cody.

"Fuck you." Blangkong tugon ni Wren dahilan kung bakit mas lalo lang lumawak ang ngisi sa labi ng binata.

"Sa dugo mo pa lang, nagcrave na ako. Ano pa kaya kung katawan mo na ang titikm─"

"Hayop ka Quincy." Mariing banggit ni Cody. Aminado siyang hindi niya ugali ang pumapatol sa gulo, ngunit tila napuno na nga ang binata. Tuluyan na nga niyang hindi natiis ang kaniyanv nakikita lalo na ang mga bagay-bagay na kaniyang naririnig mula sa bibig ng kaklase.  Nang makuha niya na nga ang atensyon nito ay doon sila nagtagisan ng titig.

"Hayop?" Sarkastiko nitong ulit saka mahinang natawa. "Siguro nga tama ka, pero wala akong pakialam. Tsaka bakit ka pa ba magagalit sa'kin eh sa katunayan naman ay ginagawan ko lang naman siya ng pabor." Huminto ito saglit bago nag-unat. Bahagya pa itong napatingin sa suot  na relo na para bang kinakalkula ang oras.

"Kahit kailan talaga, ang tibay-tibay mo, Wren. Alam mo bang kapag ako na ang kumagat sa isang tao ay hindi aabot ng kalahating minuto ay natutuluyan na kaagad? Pero tignan mo iyong sarili mo oh, magdadalawang minuto na pero  tao pa ka pa rin." Puri niya rito. Muli na namang lumandas ang titig niya sa dalaga na ngayon ay blangko pa rin at nagbabantang nakatingin sa kaniya.

Lihim na lamang siyang napailing bago bagot na bagot tumalikod.

"Bakit pa ba kayo nagpapakahirap dito sa loob kung pwede naman kayong mamatay lahat di'ba? Bakit parang ayaw niyo pa yatang tanggapin iyong katotohanan na wala talagang makakalabas dito sa'tin nang buhay. Hindi niyo ba naiintindihan iyong nangyayari?" Kwento niya saka isa-isang tinignan ang mga kaklase na hindi man lang nagawang makaimik. Lalo lamang siyang ginanahan dahil base sa mga inaakto ng mga nandito ay mapaghahalataan talagang natatakot ang mga ito sa kaniya. Isang uri ng kaganapan na nagpaguhit ng ngisi sa kaniyang labi lalo na at sa wakas ay natuto na rin ang mga kasamang kumilala kung sino ang taong dapat katakutan dito.

"Ang mundo na mismo ang gumawa ng paraan para hindi na tayo makaalis. Ito na ang tadhanang nakaukit sa'tin—ang mamatay dito sa loob ng eskwelahang 'to para ang lahat ng tinatago nating sekreto, ay mababaon na lamang sa limot. Sa Juanico High tayo nagsimula di'ba? Kaya sa Juanico High din tayo matatapos." Dugtong niya saka aliw na aliw na tumawa.

Save UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon