Chapter 17: Palaisipan

1.1K 109 8
                                    

"Whatever your reason is. You can't still deny the fact that you brought this menace!" Singhal ng principal sa gurong si Winston pero tumawa lang ito sa sinabi niya. "Nababaliw ka na."

"I am not crazy, the world is." Dugtong nito saka muling binaybay ang bawat sulok ng kwadradong silid.

"Oh, come on. You don't have to look at me in that way, para namang nakagawa ako ng isang napakabigat na kasalanan niyan." Usal niya bago muling nilingon ang dalawang kasama sa loob.

"Bakit, hindi ba? Hindi ka ba nakukonsensiya sa ginawa mo? Isang malaking problema 'to!" Halos tumaas na ang boses ng gurong si Blaire dala ng takot at pag-aalala. Ni wala siyang kaide-ideya kung gaano na nga ba kalala ang sitwasyon ngayon sa labas. Alam niya kung ano ang nakita niya, kaya hindi malabong mas malala pa sa iniisip niya ang sitwasyon ngayon ng buong eskwelahan.

"If you see a cat chasing a rat. What do you think is the very first feeling that you would feel?" Hirit na namang  tanong ng maestro bago hinila ang bakanteng upuan at doon naupo.

"S-seriously? Nagagawa mo pa talagang itanong 'yan sa sitwasyong 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ng guro.

"You can't do anything about this anyway. So might as well answer my question," nakangiti nitong sabi habang prenteng nilalaro-laro ang mga daliri sa kamay. "Now, which side are you going to take, the cat or the rat's side?"

"Well, if you found it hard to answer. Let me share a brief elucidation." Bumuntong-hininga muna ito saka muling iniayos ang pagkakasuot ng salamin bago nagsalita. "Cats have a reputation for cruelty for one reason in particular, and it's to play with their prey until the victims are totally overcome with fear." Kwento nito na tila ba pinapaliwanag nang maayos sa dalawa ang pagpipilian para makuha niya ang inaasam-asam na sagot ng mga 'to. "And what about the rats? Well, unfortunately. In their case? Even if they fight back, they will never win."

Saglit itong huminto para sumandal sa upuan.

"Well I guess, most people will take the cat's side, right? Kahit hindi ko pa kayo narinig na sumagot. Pareho lang din naman ang sasabihin niyo." Dugtong nito sa kaniyang sinabi bago bagot na bagot na nag-unat. "Because in your eyes, a rat is just a mere pests  trying to destroy each of your rice crops. Hindi ba't para sa inyo, salot  sila sa lipunan at binigyan lang ng buhay para gawing basahan?"

Dulot ng kaniyang sinabi ay umismid lamang ang principal bago sumagot.

"They are indeed a pests so they deserve to die anyway. Pasalamat na nga lang tayo at nagkaroon ng pusa para linisin iyong mga pesteng iyon, di'ba? Will you please drop this nonsense chit chats and get out in he─"

"As expected from a demon creature like you." Puri ng guro na siyang ikinaigting ng tainga ng kaniyang kaharap. Kanina pa siya namumuro sa tuloy-tuloy na pambabastos nito sa kaniya.

"Hindi ba't nakakatawa na hinuhusgahan niyo 'ko kaagad at sinasabihin niyo pa ako na baliw akong tao?" Gatong pa ni Winston bago iniikot-ikot ang inuupuang swivel chair.

"Frankly saying, hindi  naman ako siraulo kung 'yan ang iniisip niyo," kalmado niyang pagdekara waring tinatama ang tingin ng dalawang kasama sa kaniya. "Mulat lang ako sa realidad kung saan patuloy kayong pumipikit." Pagpapatuloy niya pa.

"Then what are you trying to imply? Even if how many times you coated your words using sweets. We can still tastes the sourness inside it. Mali parin a—"

"Wrong, you are not thinking outside the box, Ms. Garcia. Hindi pa ako tapos sa pagpapaliwanag pero sumingit ka na kaagad. Hindi ba itinuro sa university niyo na maging neutral muna at antaying matapos na magpaliwanag ang dalawang panig bago gumawa ng hatol?" Sabat ng maestro nang magawi ang tingin nito sa kaniya. "The predominant feeling that I want you two to understand is not about how  crazy I was in your eyes. But, it's to understand someone's empathy."

Save UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon