Chapter 40: Gapos

895 74 2
                                    

Nang muling magkamalay si Wren ay kaagad niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Sumalubong sa kaniya ang napakaputing kisame at ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa mahabang fluorescent. Ngunit sa halip na mag-iwas ng tingin, mas pinili niyang titigan iyon nang sagayon ay magawa niyang maalala kung ano nga ba ang huling nangyari sa kaniya bago siya mawalan ng ulirat.

"How the hell did I ended up here?" Mahina niyang tanong sa sarili. Sigurado siya na hindi ito iyong binagsakan niya matapos siyang mahulog sa rooftop.

Tandang-tanda niya pa na tinangay ang katawan niya ng malaking tipak ng semento at bumagsak siya sa Comfort Room. Bahagyang nagsalubong ang kaniyang kilay nang muli niyang sinubukang alalahanin kung ano na nga ba ang sumunod na nangyari.

Akmang hihimasin na niya sana ang kaniyang ulo pero naramdaman niya na lang na may kung anong mahigpit na bagay na nakatali sa kaniyang magkabilang palapulsuhan. Wala sa wisyo siyang napatingin kaagad doon at nang sinubukan niyang galawin iyon ay mas lalo lang itong humigpit. Bagay na mas lalong nagpasira sa ekspresyon ng kaniyang mukha bunga ng matinding sakit na kaniyang naramdaman. Pinasadahan niya ang kabuuan ang kaniyang katawan, sinundan niya ang bawat sling legs ng kadenang nakapulupot ngayon sa kaniyang katawan na para bang sinadya itong ilagay nang sagayon ay hindi siya makawala.

"Fucking shit." Wala sa wisyo niyang mura nang mapagtantong hindi niya nga ito basta-bastang maialis sa kaniyang katawan.

"It's a good thing that my precious specie has finally awake." Umalingawngaw sa loob ng kwadradong silid ang napakapamilyar na boses ng isang lalaki.

Gustuhin man ni Wren na lumingon sa gilid para tignan ang paparating ngunit hindi niya na lamang iyon itinuloy pa dahil ngayon niya lang din napagtanto ang bakal na collar na nakalagay ngayon sa kaniyang leeg. Kaunting galaw niya lang ay paniguradong masasakal talaga siya nito.

Ilang sandali pa ay naririnig na niya ang papalapit nitong yabag ngunit nanatili siyang kalmado at alerto sa kung anumang mga bagay ang balak gawin ng nandito.

"What do you want?" Malamig na tanong ni Wren at mahahalatang wala talaga itong kainte-interest na magpaliguy-ligoy pa sa usapan.

Gumuhit ang ngisi sa labi ng lalaki bago ito humakbang papalapit sa hinihigaan ng dalaga.

"Is that how you greet your science teacher?" Salubong ng maestro saka siya tinitigan nang nakangiti.

Sinalubong ni Wren ang kaniyang mata bago blangkong sumagot. "Then is this how you treat your cognoscente student?"

Nang marinig ng guro ang kaniyang isinagot ay mabilis itong humalakhak na para bang aliw na aliw siyang makipagpalitan ng argumento sa dalagang kasama.

"This world is inconstant, my dear. Kung kahapon tinrato pa kitang estudyante ko, pwes hindi na sa pagkakataong 'to..." saglit itong huminto bago inayos ang suot niyang salamin. "Because from now on, you are my specie — my precious specie to be exact — that will bring power and overflowing respect to me."

"Ikaw..." pansamantala muna siyang huminto sa pagsasalita para ituro ang dalaga. "Ikaw at ang iba pang half-breeds ang tutulong sa'kin para iangat ang pangalan ko sa siyensiya."

"I am not obliged to follow what shit you like." Madaliang tutol ni Wren at para bang wala siyang pakialam kung dehado siya sa lagay niya. Sasabihin niya ang mga gusto niyang sabihin ikapahamak niya man o hindi. "Dahil hindi ako gamit sa Shopee na basta-basta na lang mina-mine kung gugustuhin."

"You cannot own me, Sir  because right from the first place. I aint yours." Walang preno niyang sabi nang hindi pa rin inaalis ang blangko niyang ekspresyon. Ngunit sa halip  na magalit ang kaharap sa kaniyang inaasal ay tila ba mas lalo pa itong natutuwa sa tibay ng kaniyang estudyante.

Save UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon