Chapter 18: Ray of Hope

1K 100 2
                                    

"I can't just stand here and do nothing." Biglaang sabi ni Ms. Garcia. Ayaw na niyang mag-antay pa dahil pakiramdam niya ay sa bawat minutong lumilipas na wala siyang ginagawa. May mga buhay na bigla na lamang maglalaho't mawawala. Sa sinambit niya ay doon muling namuo ang ngiti sa labi ng maestro.

"Go ahead, then. Tignan lang natin kung hanggang saan ka tatagal," nginisihan siya ni Winston pero hindi na niya ito pa pinagtuunan ng pansin bagkus ay kaagad niyang nilapitan ang pinto. Muling naging dominante sa kaniyang pandinig ang mga kamay na sunod-sunod na kumakalampag sa pinto. "Even if you seek ways to fight them back, you wouldn't beat them all. So why can't you just stay here and watch them struggle for their own lives instead?"

"We are all a living pawns inside a game that we don't understand. That's how the world taught me, Ms. Blaire." Dagdag pa ng maestro na siyang nakapagpahinto sa guro. Hindi na niya natuloy pa ang pagbubukas ng pinto nang marinig ang idinugtong ni Winston. Muli niyang binaba ang kaniyang kamay bago lakas-loob na nilingon ang pwesto nito.

"If the world taught you that life is a game, tangled with a chain of different levels of problem. My own perspective showed me that our prime purpose in this life is to help others. And if you can't help them, at least you wouldn't do such thing that might hurt them," walang bahid na pagbibiro niyang sambit.

"Oh?"

"I cannot do all the good that the world needs, yes. But this world needs all the good that I can do." Dagdag niya pa at doon niya sinalubong ang tila natutuwa nitong mata. "At sa tingin ko, 'yan ang nakaligtaang ituro ng mundo sa'yo." Huli niyang banggit at pwersahang binuksan ang pinto dahilan kung bakit napatumba papasok ang mga zombies na kanina pa kinakalampag ang malaki at doble nitong pinto. Hindi na nagsayang pa ng oras ang maestra at kaagad ng lumabas sa pinto nang hindi inalintana ang peligrong dala ng sitwasyong sinalubong niya.

Bumungad sa kaniya ang napakagulong corridors, puno ng nagsibagsakang mga bubog ang sahig. Idagdag pa ang mga putol na parte ng katawan na siyang nakalatay sa ibaba. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pulang mga bahid na halatang galing sa dugo ng tao. Wala sa wisyo siyang napadasal saka nagpalinga-linga. Wala siyang mahanap na tao sa labas, at wala rin siyang mga sigawan na naririnig hindi kagaya kanina. Tila ba sa ilang oras na lumipas magmula nong nagsimula ang gulong ito ay binawi nang ganoon kadali ang ingay ng mga taong nasa loob ng eskwelahan.

Kasalukuyang nakadungaw ang maestra sa labas ng corridor para tignan kung may madadaanan ba siya. Doon niya klarong nakita ang mga maliliit na pigura na gumagala sa quadrangle. Subalit hindi siya sigurado kung tao pa ba iyon o hindi na. Akmang tatalikod na sana siya pero kaagad siyang napatihaya sa sahig nang mahila siya ng isang zombie. Gumagapang lang ang halimaw at pilit siya nitong hinihila palapit sa bibig nito pero nagpumiglas ang maestra at sunod-sunod niyang sinisipa ang mukha nito para mailayo lang ito sa kaniya. Nang hindi pa rin ito bumibitaw ay doon na niya tinanggal ang sandal niyang may takong at buong tapang na inihampas iyon sa zombie. Makailang beses niya pa itong ipinukpok hanggang sa tuluyan na nga itong napabitaw na siyang dahilan kung bakit nakahanap na siya ng tiyempo na makatayo. Mabilisan niyang tinanggal ang isa niya pang sandal saka nakayapak na tumuloy sa pagtakbo.

Nang makarating na siya sa kabilang hagdan para sana bumaba ay hindi na niya iyon natuloy pa dahil sinalubong siya ng panibagong grupo ng mga zombie. Saglit siyang napahinto at kaagad na lumingon palikod para sana bumalik sa kaniyang pinanggalingan. Kamuntik pa siyang mahablot ng isa pero mabuti na lang at nakatakbo siya kaagad. Sa muling pag-abot ng kaniyang kamay sa newel cap ay hinawakan niya iyong maigi upang pigilan ang sarili na hindi matumba. Hinigit niya rin kaagad ang handrail saka mabilisang bumaba papuntang ground floor.

Sa pangalawang corridor na napuntahan niya ay walang pinagkaiba ang itsura no'n sa dinatnan niya kanina sa itaas. Pero mas malala nga lang ang lagay dito dahil may mga zombies na nagkalat dito na halos pumuno na sa daanan. Nang makuha niya ang atensyon ng mga iyon ay kaagad silang nagsikilos upang atakehin siya. Ngunit hindi siya nito naabutan dahil nahagip na ng kamay niya ang katabing pinto saka nahihintakutang pumasok sa loob.

Save UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon