Chapter 29: Kwentuhan

1.1K 106 7
                                    

Muling kumagat ang gabi sa Juanico High at nandito pa rin sila sa rooftop, nakaupo sa sementadong sahig at nakapalibot sa ginawa nilang bonfire. Kanina pa sila nagbabakasakali na may lalapit ulit na choppers sa kanilang school pero dumating na lang ang takip-silim, wala pa rin silang nakita. Hindi na rin nila namataan pa ang mga choppers sa ere at kung anuman ang dahilan, iyon ang hindi rin nila alam.

"'Di nga?" Hindi makapaniwalang tugon ni Corbin sa sinabi ni Ryder. Muling nagsalubong ang kilay ng binata at halata talagang hindi ito kumbinsido sa kaniyang narinig.

"Kung alam mo lang iyong hirap na dinanas namin sa kamay ni Mrs. Reyes, Corbin. Sigurado akong ipapa-KMJS mo pa." Singit ni Earlyseven bago sumandal sa balikat ni Ledger.

"Gets ko naman na may pagka terror si Mrs. Reyes, pero hindi ko lang ini-expect na may mga tao talagang sumugal na magbayad ng isang daan para lang makapagpa-fansign kay Ryder. Sikat na sikat yarn?" Hirit na naman nitong tanong dahilan kung bakit muli silang nagsitawanan.

"Ryder is one of Juanico High's top 'Aces' kapag basketball ang pag-uusapan. Naalala ko pa nga dati na hindi na 'yan halos makapasok sa klase kasi nga lagi siyang kasama sa final line-up ng team. At alam naman nating lahat na pagdating kay Mrs. Reyes, wala siyang pakialam kung anong ambag mo sa school o kahit anak ka pa ng Mayor, kapag may pinagawa siya. Dapat mo talagang gawin." Paliwanag ni Ledger saka tamad na tamad na tinignan si Corbin na patuloy pa ring nakikinig.

Hindi maiwasan ni Corbin ang maintriga lalo na at hindi sila naging magkaklase noong first year. Transferee kasi siya kaya sa ibang section siya napunta. Nang dahil dito ay may mga bagay pa rin siyang hindi alam sa grupo patungkol sa mga dating naging karanasan ng mga kasama.

"Pinagawa niya nga rin kami ng kahit anong maisip naming marketing plan para makaipon ng pera eh. Pwede mong i-apply lahat ng alam mong source of income basta 'wag lang iyong mga illegal," gatong ni Mills. "Effective sana iyong naisip naming 'Kiss Freebie' kaso 'tong si Yohan halos patayin na kami nila Willow sa titig kasi 'di na niya matiis iyong mga babae na ayaw paawat sa kahahalik sa kaniya, kaya ayon hindi umabot ng isang araw sumuko na siya." Natatawa niyang dugtong. Hindi rin mapigilan ng dalaga ang silipin ang mukha ng katabing binata na ngayon ay nahihiyang napayuko. Iyon din ang nagtulak sa kaniya para mas asarin ito lalo.

"Nakalimutan mo pang i-mention iyong mga baklang halos hubaran na'tong si Yohan." Gatong pa ni Willow dahilan kung bakit halos mapapikit na ang binata dulot ng matinding kahihiyan na gusto niya nang ibaon sa limot. Kahit ilang beses niya mang kalimutan ang pangyayaring iyon o kahit anong pilit niya pang burahin iyon sa ala-ala niya. Tila ba hindi na ito magawang makalimutan ng mga kaklase at parang mananatili itong presko sa memorya ng mga kasama.

"Ang pogi-pogi naman kasi nitong classmate natin eh." Puri pa ni Earlyseven bago iniangat paa palapit sa mukha nito.

"If they still pushed Yohan to do it, sigurado akong matatalo nila kami," singit ni Ledger at doon pansamantalang tinanggal ang kaniyang suot na salamin. "Hindi rin naman gano'n kaganda iyong naisip namin ni Agapito. Coffee Booth lang naman kasi iyon pero siyempre, with a twist."

"May twist?" Kunot-noong tanong ni Corbin na siyang sinagot naman ni Cody ng tango.

"Ginawa nila akong pain, Corbin," singit ni Cody dahilan kung bakit dagliang napalingon ang kaibigan. "Kinuha nila akong barista at pinagsuot pa ng korean style na damit. Nag-insist pa nga 'yang si Earlyseven na lagyan ako ng make up. In short, ginamit nila ako para palakasin iyong booth nila."

"Tangina, bumenta nga talaga mga trip niyo no'n?"

"Oo naman, siyempre. After namin manalo ay pinagbukas kami ulit ni Mrs. Reyes ng panibagong booth para sa exhibit pero hindi na si Cody iyong kinuha namin kundi si Ryder. Coffee Booth pa rin siya pero sa oras na makakabili ka ng limang kape sa isang oras ay libre na nilang makukuha iyong number niya." Kwento muli ni Earlyseven at doon nagtaas-babang tinignan ang kaklase.

Save UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon