Chapter 35: Paniningil

841 74 9
                                    

Hindi na alam ni Willow kung anong oras na ba. Kanina pa siya nagpapaiba-iba ng pwesto dahil nga sa hindi siya makatulog. Kahit anong gawin niyang pagpigil na huwag munang umihi, ay hindi na niya talaga kinakaya. Nilingon niya ang pwesto ni Mills at halata na sa mukha ng kaibigan na nakakuha na ito ng pagkakataon na makapagpahinga, sunod naman niyang binalingan ng tingin si Meadow para sana gisingin ang kaklase ngunit nagpigil na lamang siya dahil ayaw niya rin itong istorbohin.

"Bwisit naman!" Mariin niyang mura sa isipan bago niya tinapik-tapik ang kaniyang tiyan.

"Iihi ba ako o hindi?" Naiiyak niyang tanong at muli na naman siyang nag-iba ng pwesto. Saglit pang nagtalo ang kaniyang isipan hanggang sa nakapagpasya siya na bumangon. Palihim siyang tumayo at maingat na inalis ang pagkakatalukbong ng tela sa kaniyang katawan nang sagayon ay hindi niya magising si Mills. Inayos niya muna ang kaniyang sarili bago minadaling isuot ang kaniyang sapatos, hindi pa man siya nakakalakad ay bigla na lamang siyang napapiksi nang may marinig siyang nagsalita.

"And where do you think you're going?" Biglaang tanong ni Wren. Mabilis na napalingon si Willow sa pwesto niya at doon niya nakita na nakapikit pa rin ang mga mata ng kaklase. Saglit siyang napahinto at pinakiramdaman kung may malay ba ito o nasa kasagsagan lang ng sleep talking. Inobserbahan niyang maigi ang dalaga at nang hindi na nga siya nakatiis ay nilapitan niya ang pwesto nito.

Dahan-dahang inilagay ni Willow ang kaniyang kamay sa ibabaw ni Wren upang kumpirmahin kung gising ba ito o tulog. Hindi niya pa man nasisimulang iwagayway ang kaniyang kamay pero mabilis na itong hinuli ng kaharap. Kaagad na nagdilat ng mata si Wren at blangko siya nitong ipinukol sa pwesto ng kaklase.

"Saan ka pupunta?" May kahinaan nitong tanong.

"Kagabi pa ako ihing-ihi, Wren. Pwede naman siguro akong lumabas, di'ba? Feel ko mawawasak na iyong pantog ko kapag 'di ko pa rin 'to ilalabas." Diretsa niyang pag-amin bago inipit ang kaniyang tiyan.

"What's the point of going out when you can just pee here?" Suhestiyon ng dalaga na siyang dahilan kung bakit naging dominante sa mukha ni Willow ang pandidiri.

"Ayaw ko nga!"

"Look, sobrang delikado kung bababa ka pa sa rooftop, Willow. T-"

"Kung may CR lang sana tayo rito sa taas e 'di sana hindi na ako aalis." Tugon niya bago binawi ang kamay mula sa kaklase.

"But you can just pee behind those boxes." Turo nito sa mga nagkumpulang mga kahon na siyang ikinangiwi lalo ni Willow.

"Just this once, Wren. Tsaka hindi rin naman ako magtatagal eh, babalik ako kaagad. I promise." Sinsero niyang sabi at hindi niya na pa inantay ang sasabihin pa ng kaharap at tuloy-tuloy na siyang naglakad palabas sa pinto. Pinindot niya ang button sa gawing gilid at nag-antay pa siya ng ilang segundo bago iyon tuluyang nagbukas.

"System opened successfully."

Nang sa wakas ay nagbukas na nga ang pinto ay doon na niya nilabas ang kaniyang cellphone at ini-on ang flashlight para kahit papaano ay magkaroon siya ng kahit katiting na ilaw.

Sinuri niya munang mabuti ang paligid para makasiguro siya kung ligtas na bang bumaba o hindi. Mariin din ang hawak niya sa tubong dala na siyang gagamitin niyang armas kung saka-sakali mang may makasalubong siyang zombie. Gustuhin man niyang magpasama ngayon ngunit mas pinili niya na lamang na lumakad mag-isa. Pangangatawanan na niya ang sinabi niyang pagbabago kay Mills at sisimulan na niya ito ngayon. Nang saktong maihakbang na niya ang kaniyang paa sa labas ng system door ay mabilis naman iyong nagsara.

Hindi na nga siya nagsayang pa ng pagkakataon at maingat na naglakad sa sementadong sahig. Bawat nakatihayang zombies na nasa paligid ay iniilawan niya para lang siguraduhin kung buhay pa ba ang mga iyon o hindi na. Ayaw niyang magpakampante sa sitwasyong 'to lalo na't mag-isa lang siya.

Save UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon