Chapter 18

4.4K 270 119
                                    

Taehyung's POV

"Ahjussi, magdahan-dahan nga po kayo!" Hindi ko na napigilan, nasigawan ko na ng tuluyan ang driver namin. Muntik na kasi kaming makabangga ng bata.

"Pasensya na ho, sir Kim. Bigla-bigla nalang kasi pong tumawid yung bata."

Bumuntong-hininga nalang ako at saka itinuon ang atensyon ko kay Chiene. She's quivering from shock and after a series of "it's okay" and "oppa's here", huminahon na rin siya.

"Oppa, natatakot ako. 'Wag mo kong iiwan, oppa."

Tumango lang ako at saka niyakap lang siya. Alam ko, naaalala niya nanaman ang nangyari sa kanya dati. Sa kanya at sa mga totoo niyang magulang.

Seven years old ako at five years old siya nang dumating siya sa bahay namin. Sabi ni mama, aampunin niya na raw si Chiene. Nung una, ayoko. I lived for seven years without any sibling tapos bigla nalang siya dadating? Ano nalang mangyayari sa'kin? Tuluyan nang makakalimutan? I was just a kid that time - just like other kids I was also craving for my parents' attention.

Pero nang inexplain sa'kin ng mga magulang ko ang sinapit ni Chiene, 'di ko alam pero parang lumambot ako bigla. (Hindi yung lambot na nababakla na. Ang manly ko kaya.) I just found myself being overprotective over Chiene. At tsaka isa pa, para raw talaga kaming magkapatid. Magkamukha raw kami eh. Dahil siguro sa mata.

Sabi ng mama ko, pagkatapos daw umattend ng mga totoong parents ni Chiene sa kanyang recognition, napagdesisyunan raw nilang pumunta sa isang pizza house para magcelebrate. Pero habang papunta raw sila dun, may bata raw na nakasakay sa bike na bigla nalang tumawid. Sinubukan raw iwasan ng papa ni Chiene ang bata para hindi ito mabangga pero dahil sa pag-iwas niya, nabangga naman daw ito sa poste.

Namatay ang papa niya at ang mama niya naman, na-coma ng tatlong buwan pero namatay rin naman pagkatapos. At dahil ninang at ninong ni Chiene ang mga magulang ko, sila na ang kumupkop sa kanya.

Dahil sa nangyaring aksidente, na trauma si Chiene. Teka, ano ba ang tamang term? Uhh, na-alog ang utak? Tinopak? Natanga? Nabaliw? Ah, oo, nabaliw.

Tuwing hapon, hinahatid namin si Chiene sa isang clinic na makakatulong sa kanya para mawala na yung trauma niya at nang maging maayos na ang pag-iisip niya.

Dahil kasi sa sobrang galit niya na nawala ang mga magulang niya, ginusto niyang maghiganti. She was so young, pero ganon na siya mag-isip.

"Oppa, you'll help me, right? Tutulungan mo akong maghiganti para kina mama."

I couldn't say no that time. Kapag sasabihin kong hindi, magwawala siya. At kapag nagwala na siya, mahirap na siyang pakalmahin. So I said yes.

Hindi naman siya naging malungkot sa clinic dahil may kaibigan naman siya doon. Nakalimutan ko na ang pangalan ng bata pero ang alam ko malala tama no'n. Nakakatakot nga tumingin eh.

Nagpatuloy lang siya sa pagpapacheck-up niya hanggang sa medyo naging maayos na siya. Kahit na hanggang ngayon, nagpapacheck-up parin siya pero may improvements na.

"Aray!" Binitiwan ko ang kamay ni Chiene at saka tinulungan ang isang bata na nahulog mula sa kanyang bisekleta. Kung titingnan sa height niya, parang mas matanda siya sa akin ng tatlo o apat na taon.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko habang inaalalayan siyang tumayo. Binawi niya naman ang kamay niya mula sa'kin at saka pinagpagan ang t-shirt niya.

"Nahulog na nga, tatanungin pa kung okay lang ba ako. Isa't kalahating tanga ata 'to eh." Rinig kong sabi niya habang pinapagpagan ang shorts niya.

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon