Chapter 30

749 71 52
                                    

Mikaela's POV

"I think.. I found the killer."

Napatigil si Xander sa pagtatype at napatingin sa akin. Nasa office niya nanaman ako ngayon, nakaupo sa harap niya para ibigay sa kanya ang report ko at ilahad sa kanya kung ano ang nangyari kagabi.

"What do you mean?"

"I got a call from the forensic pathologist yesterday, saying that a knife was found near Jeon Jullia's home. The knife found has the same length and width from the stabs na nakita sa katawan ni Jullia. May dugo rin ito ni Jullia, confirming that it was the weapon used. And it has fingerprints."

Napansin kong parang nanginginig ng kaunti ang kamay ni Xander. For some reason, parang kinakabahan siya.

"Whose fingerprints?"

"Blake Mendoza. The head officer that investigated Jeon Jungkook's crime scene."

Saglit siyang natahimik at napabuntong-hininga. Napasandal siya sa swivel chair niya at saka napahilot ng ulo.

"Finally. Finally, we caught him. After six months, nahuli na talaga natin siya. That scumbag. He was an outstanding officer, I would never expect this from him." Napatingin siya ulit sa akin at napangiti. "Good job, Mikaela. I knew that you could do this. Masaya ako na nagtiwala ako sa iyo. I'm sure the higher ups would be so happy to hear this as well as Angela and Jodi. Ang kulang nalang ay mapaamin natin siya sa mga ginawa niya."

Ngumiti rin ako at tumango ng bahagya. "Pero hindi muna natin siya aarestuhin. May nakuha ako sa bahay niya kahapon. Isang kutsilyo na nababalot ng dugo. I sent it to the forensics team this morning at kapag naconfirm natin kung kaninong dugo ang nandoon at kung nandoon din ang fingerprints niya, doon palang natin siya aarestuhin."

"Kahapon? Sa bahay niya? What exactly did you do?"

Napangisi nalang ako at tinuro ang files na binigay ko. "Just read it in my report." Tumango siya at tatayo na sana ako nang bigla kong naalala sina Angela. "Don't tell Jodi and Angela about this until we receive the results from the forensics. Please."

Nakakunot ang noo niya nang sinabi ko iyon. Napansin kong napag-isip muna siya bago siya bumuntong-hininga at saka tumango. "Okay. I'll not ask why but I will trust your reasons for now. Puntahan mo muna sina Jodi at Angela ngayon at tulungan mo sila sa kaso ni Jimin. Gagawa muna ako ng report ko."

Oh. Right. Meron pa nga pala si Jimin. Si Jimin na pangunahing suspect ko. Si Jimin na nawawala parin hanggang ngayon. I was so overwhelmed with everything that I discovered na nakalimutan kong nawawala pa nga pala ang supposed to be main suspect ng kasong 'to.

I nodded and headed off, proceeding to Angela and Jodi's office.

"Saan ka nanggaling, Mikaela? Bakit parang wala ka namang ginagawa? Nagtatrabaho ka ba ng maayos?" Bungad sa akin ni Jodi pagkapasok ko palang ng opisina nila.

Napatawa ako ng mahina. Wow. Ang lakas ng loob niyang itanong iyan sa akin where in fact, wala pa akong tulog simula kahapon dahil sa lahat ng pinanggagawa ko. Kung hindi lang talaga ako atat makauwi para makita ulit si Nadine, edi sana hindi na ako naghihirap ngayon.

"How is Jimin's case?" Tanong ko kay Angela, ignoring Jodi's remark.

"Actually, tumawag sa akin si Park Jimin kahapon. Nung una, nagpakilala lang siya na siya si Jimin dahil hindi ko kilala kung sino yung tumawag sa akin. Ang dami kong tinanong sa kanya pero hindi niya ako sinasagot. Habang nag-uusap kami, pina-track ko kay Jodi ang number. Habang nagsasalita ako, bigla siyang nagsalita at sinabi niyang 'Noona, mag-iingat ho kayo.' Pagkatapos no'n, naputol na ang tawag."

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon