Chapter 28

2.6K 138 125
                                    

Mikaela's POV

"I heard from Jodi na ininterview mo raw si Wang Jackson."

"Yes, yes I did."

Nandito ako sa office ngayon ni Mr. Lim. Napapadalas na ang pagpunta namin nina Angela at Jodi dito at pati na rin sa meeting room kasi hands on talaga si Xander dito. Simula nung inassign siya sa kasong 'to,  matindi talaga yung trabahong ginagawa niya. As expected from a top senior inspector.

Sana siya nalang yung nakatrabaho ko una palang.

"But you did the interview secretly," sabi niya habang hindi parin ako tinitignan. Nakatingin lang siya sa mga papeles na ewan ko ba kung anong laman. "I heard from Jodi na pinatay mo ang lahat ng cameras sa loob ng interrogation room. Bakit mo iyon ginawa?"

"Is it wrong to say that I don't trust my co-detectives?"

Sa sinabi kong iyon ay deretso na siyang napatingin sa akin. Sa mga mata ko mismo.

"Why are you staring at me like that?"

"May nalalaman ka ba?"

I just shrugged at hindi na siya sinagot. He snapped his fingers right in front of my face kaya napasimangot nalang ako. "Bakit?"

"I was reviewing your reports, including Angela's and Jodi's, at may napansin ako pero napagdesisyunan ko nalang na hindi magtanong. But observing your behavior right now, parang may alam ka na hindi mo masyadong idinetalye sa mga pinasang report mo."

"So?"

"So, I want you to answer me truthfully. The whole truth, not a piece of what you've found or seen. Yung kabuuang nalalaman mo," he paused for a second before showing me a paper. "Ano ang nakasulat sa mga files ni Min Yoongi?"

Tinignan ko ang papel na pinakita niya sa akin. Ito yung report ko. Dito ko idinetalye yung mga nakita ko sa kwarto ng bawat myembro ng Bangtan noong binisita ko yung dorm nila. Sinulat ko lahat in details maliban sa nahanap ko sa kwarto ni Min Yoongi. Yung background check niya sa sarili niyang mga kamyembro.

I was contemplating whether or not to tell him in full details pero dahil na rin wala na akong iba pang mapagkakatiwalaan, siya nalang ang sasabihan ko. He is a top prosecutor, known for his great skills. Kung sasabihin ko sa kanya ang mga nalalaman ko, baka mas mapapadali 'tong kaso.

In the first place, nagtataka talaga ako kung bakit tumatagal ang usad ng kasong 'to. Para bang may kung anong naghahadlang sa amin na matapos itong kasong 'to. Tuwing may nakukuha kaming lead, parang mas lalo lang gumugulo ang lahat.

"Well?"

My train of thoughts were stopped when Xander suddenly talked. Hinarap ko siya at saka bumuntong-hininga. Siya lang. Siya lang talaga pagkakatiwalaan ko nito.

"I've found out in the background check na hindi pala maganda ang relationship ni Angela kay Jeon Jungkook at maging sa mismong mga magulang niya except for her little sister, Jullia."

Kumunot ang noo niya at umayos ng upo. "What do you mean? We've known each other since high school. I saw how she cared for Jungkook and how much she respects her parents. Paanong sinasabi mo na hindi maganda ang relasyon niya sa pamilya niya?"

"I don't know yet." Tinuro ko ulit yung papel na may laman ng report, "It was a background check intended for Jeon Jungkook, not for Angela. Kaya wala masyadong nakasulat doon. Ang sabi lang, hindi kasundo ni Angela ang mga magulang niya at madalas rin silang nag-aaway ni Jungkook."

"But that's impossible. Ang alam ko, close talaga siya sa pamilya niya," I heard him murmur.

"There must be something going on. Sabi rin ni Park Jimin nung ininterrogate siya nina Angela at Jodi, nag-away si Angela at Jungkook bago nangyari yung pagkamatay ni Jeon Jungkook."

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon