Chapter 34

860 57 71
                                    

Jodi's POV

"Bye, my friend."

"Pfft--Hahahahahaha!"

Napatunganga nalang ako nang biglang tumawa ng malakas si Angela. Ano, tuluyan na ba 'tong nabaliw?

"Huwag niyong gawin ito, marami pa ho akong pangarap sa buhay. Please, spare my life!" She dramatically said and again, laughed out loud. Narinig ko rin ang pagtawa ng mahina ni Francis sa likod ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Sige, itawa mo na ang lahat ng gusto mong itawa. Iyan na ang magiging huli mo," mariin kong sabi at saka tinutok sa kanya ang baril.

"Enough with the soap opera lines, Jodi. Tapos na tayo sa scene na 'yan. Now, we're moving onto our last scene. The epilogue. Change of scene means change of script," Ngumisi siya sa akin at saka ko lang napansin na hindi na pala nakakabit ang kamay niya sa lubid. Napahigpit ako ng hawak sa baril nang inayos niya ang kanyang pagkakaupo.

"Mukhang feel na feel mong ikaw ang bida sa kwentong 'to, Jodi. But in every story, hindi pwedeng mawala ang twist. Iyan ang isa sa mga sangkap ng kwento na hindi pwedeng mawala. Kung walang twist, boring ang kwento mo."

Tumayo siya bigla kaya agad kong tinaas ang baril ko. Itinaas niya naman ang mga kamay niya in a mock surrender. "Chill. Hindi naman kita ginagalaw eh." Natawa siya ng mahina at saka biglang humablot ng baril mula sa ilalim ng lamesa na nasa tabi lang niya.

Shit. Kailan pa nagkaroon ng baril diyan?! Ba't di ako sinabihan ni Francis?

Nilingon ko si Francis at nanlaki nalang ang mga mata ko nang pareho na nilang tinutok ang mga baril nila sa akin.

"Francis, ano'ng ginagawa mo? Akala ko ba magkakampi tayo? Akala ko ba kaibigan kita?!"

"Kaibigan nga kita Jodi, at hanggang ngayon, kaibigan parin naman ang turing ko sa'yo. Pero mahal ko si Angela, Jodi. Alam mo 'yon."

"Puta, tapos ano? Magpapagamit ka lang sa kanya?!"

"Sa simula palang, ako naman talaga ang nanggamit sa'yo, Jodi. Pasensya na."

Lagi nalang ba? Lagi nalang ba akong tatraydorin ng mga taong akala ko'y totoo kong mga kaibigan?

"Pasensya na? Pasensya.. wow. Alam mo una palang na ayokong maghiganti sa kanila, Kira. Pero pinilit mo ako. Akala ko sinabi mo iyon dahil gusto mo ako tulungan. Pero hindi pala. Niloko mo ako, Francis. Fuck. Niloko mo ako!"

Tumawa nanaman ng malakas si Angela na siyang umalingawngaw sa buong lugar.

"Simula palang Jodi, ang ganda na ng kwento mo. Lahat ay umaayon sa plano mo. Lahat ng ginusto mo, nasunod. Pero gaya ng sabi ko, every story needs a twist to make it entertaining. And I am that twist, Jodi."

Itinutok niya sa akin ang baril at saka nalang biglang binaril ang nasa gilid ko.

Tumawa nanaman siya ng pagkalakas-lakas.

Si Francis na akala ko kakampi ko, nakikitawa kay Angela habang nakatutok din ang baril sa akin. Para bang bigla nalang naging baliktad ang sitwasyon. Pero kahit na nalilito ako at kinakabahan, hindi ko dapat ipakita sa kanila na iyon ang nararamdaman ko.

"Quit playing with your words. Go straight to the point, Angela." Madiing sabi ko.

Ngumisi siya ulit sa akin at saka tinaas ang daliri habang mabagal na iginagalaw ito ng pakanan at pakaliwa. "No, no, no, my dear Jodi. Ako dapat ang masusunod ngayon. Right at this moment, we are going to act out the next scene. Ready your emotions, Jodi. The last scene is going to be tough for you to handle."

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon