Special Chapter

4.3K 206 110
                                    

ADVERTISEMENT!


HOW TO MAKE MUNCHKINS BY CHOI JODI:

Paano gumawa ng munchkins? Ang munchkins ay sikat dahil sa taglay na tamis nito kaya ngayon, tuturuan ko kayo kung paano gawin ito.

Una, paghaluin mo ang condensed milk at crushed grahams. Puta, oo, yung crushed. Para mas madali lang ito magawa at matapos. Gaya mo, gusto mo naman madaliin yung relationship natin dahil may nakita ka ng mas sexy at maganda sa'kin diba? Kaya eto, sa kagustuhan mong tapusin agad ang kung ano'ng meron tayo, winasak mo ang puso ko. Oo, crushed nga. Wasak na wasak. Kung gaano naman katamis ang pagmamahal ko sayo tulad ng condensed milk, ganon naman kadali sayo para saktan at wasakin ako tulad ng crushed grahams.

Sunod naman, matapos mong paghaluin ang mga ito tulad ng nakakaputanginang paghahalo at paglalaro sa damdamin ko, simulan mo nang gumawa ng mga bilog na hugis. Oo, bilog. Bilug-bilugin mo, bola-bolahin mo tulad nalang ng pambobolang ginawa mo sa'kin. Kung gusto mo, lagyan mo pa ng mga maliit na chocolate ang loob tulad ng mga marshmallows o m&m's para mas masarap. Gaya mo na gumagamit pa ng mga matatamis na salita para lang makapanloko ng tao.

Pagkatapos, lagyan mo ng sprinkles ang labas o kung ano pang makakadagdag ganda sa gawa mo dahil diyan ka naman talaga mahilig diba? Sa mga magaganda. Kaya mo nga ako iniwan diba?

At huli, ilagay mo sa refrigerator mo. Baka kasi masira. Baka matulad sa'kin na sirang sira na.

Pakyu ka.

-
Xander's POV

5th grade

I was on my 5th grade when I had my first crush. At first I was indenial, but the more my friends teased me about her, the more I realized that maybe, I have a crush on her.

Scholar siya sa school namin. She's cheerful, usually jolly, smart, kind, and pretty. Medyo close rin ako sa kanya. Yun siguro yung dahilan kung bakit nila ako tinutukso sa kanya.

Having crush at this age is normal. Even first graders have their own crushes. I kept this a secret for the whole school year. I was quite happy dahil nalaman kong magaling pala akong actor. Natago ko sa kanya kung ano talaga yung nararamdaman ko.

7th grade

Last summer, we lost communication. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari pero para bang bigla nalang siya nawala. Pero noong nakapag-enroll ako, natuwa ako nung nalaman kong sa school parin namin siya nag-aaral at kaklase ko rin siya.

Late siya pumasok ng school. Last week pa ang simula ng klase pero ngayon lang siya pumasok. Nung pumasok siya sa classroom, ningitian ko siya pero hindi niya ako pinansin. Sinubukan ko siyang lapitan noong recess at lunch time pero hindi niya naman ako pinapansin kapag kinakausap ko siya. Ilang araw ko rin siyang sinubukang kausapin pero walang nangyayari. Ang kinakausap niya lang ay ang new student sa aming section.

Nung unang araw na pumasok siya, kinulit agad siya nung bago naming kaklaseng babae. Hindi rin siya pinapansin nito pero kinabukasan, nagulat nalang ako nang napansin kong parang nagiging close na sila.

Paano kaya siya napersuade nung new student?

Pero ang mas importanteng tanong, anong nangyari noong summer? Bakit naging ganito siya bigla? Nasaan na ang jolly side niya?

8th grade

May bago na akong crush. Si Angela, ang bestfriend ng dati kong crush na si Jodi. Last year, dahil hindi ko makausap ng maayos si Jodi at si Angela na new student lang ang kinakausap niya, si Angela nalang ang tinatanong ko sa mga nangyayari kay Jodi.

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon