Chapter 23

3.7K 193 89
                                    

Mikaela's POV

Nakita kong nakatunganga lang si Jodi sa upuan. Mukhang binabagabag. Ano kayang iniisip nito?

Hindi ko nalang siya pinansin at saka naglakad na papunta sa office ko. Pero habang naglalakad, napatigil ako nang tumayo siya at tinawag ako.

"Kamusta ang paghahanap?"

Bahagya akong napangiti. Nakapameywang pa siya sa harap ko at nakataas pa ang kilay.

"Okay naman. It was a success, actually. Marami akong nakuhang matitibay na clues," siyang ngisi ko sa kanya na nakapagpakunot ng noo niya. "Sabi ko naman sa inyo simula palang, diba? I can finish this by myself. I don't need anyone's help."

Naparolyo nalang siya ng mata at saka pinagkrus ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. "Clues? Like what?"

Tinaasan ko siya ng kilay at saka napangisi. "You don't need to know. Search for clues if you want. I'm not going to share to you my findings."

Tinalikuran ko siya at saka bumalik sa paglalakad. Bahala siya diyan. Hindi ibig sabihin na partner ko siya at siya yung nakasama ko sa party ng kapatid ni Taehyung, sasabihin ko na sa kanya yung mga nahanap ko.

Kung gusto niyang makahanap ng clues or evidence, she should have looked for herself.

Pumasok ako sa office ko at saka nilapag ang lahat ng nakita kong clues. Lahat ng mga pictures na nakuha ko ay idinikit ko sa white board. Tinitingnan ko ang mga ito nang may naalala ako.

Yung cellphone na nahanap ko sa kwarto ni Jungkook.

Kinuha ko ito at saka chinarge. Habang naghahanap ako ng ebidensya sa kwarto ni Jungkook kanina ay nakita ko itong cell phone sa likod ng kanyang lampstand. Lumang model ito pero mukhang may laman ito na makakatulong sa akin.

Habang nakacharge, in-on ko ito at saka dumiretso sa messages.

Marami itong messages tulad ng "anong assignment?" "may lakad ba tayo?" at iba. Mukhang ito yung cell phone niya nung bata pa siya.

To: Quatro

Asan ka na?

Ang conversation niya sa isang taong nagngangalang Quatro ang kakaiba. Quatro?

Kakaiba ito dahil kahit anong text sa kanya ni Jungkook, hindi siya nirereplyan nito. Ang huling text ni Jungkook sa Quatro na ito ay isang mahabang sorry message.

Ano kaya ang kasalanan ni Jungkook sa Quatro na ito?

-
Jodi's POV

"Angela, may mga nahanap na clues si Mikaela sa crime scene na maaaring makatulong sa'tin para maresolba ang kaso."

Agad na humarap sa'kin si Angela at napangiti ng malaki. "Talaga? Grabe, ang galing niya talaga. Sa totoo lang, nung una, iniisip ko na useless lang yung pagpunta niya sa dorm kasi akala ko nahanap na ng mga pulis ang mga dapat mahanap pero hindi pala. "

"Teka, natutuwa ka? Seryoso?"

Hindi ako makapaniwalang natutuwa si Angela. Hindi niya ba naisip na inaagaw ng Mikaela na 'yon ang trabaho namin?

"At bakit hindi? Kung may mga nahanap talaga si Mikaela, mas mapapadali ang kaso ni Jungkook. Mas madali nating mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko. 'Wag mong sabihin na naiinis ka dahil naiinggit ka kay Mika? Please, act mature. 'Wag mong unahin iyang inggit mo dahil mas importante na matapos natin ang kaso."

Naparolyo nalang ako ng mata sa sinabi niya. Ang sabihin niya, tamad lang siya. Natutuwa siya dahil may ibang tao na gumagawa ng trabaho niya. Hindi ko nga alam kung gusto niya ba talagang matapos ang kaso ng kapatid niya, eh. Dahil kung gusto niya talagang maresolba ang lahat, edi sana dati pa siya gumawa ng mga paraan. Paano ba pumasa si Angela sa pagiging detective? Ano, may pina-ibig nanaman siyang lalake tapos 'yon ang pinasagot niya sa exams niya?

Napahilot nalang ako sa sentido ko at saka kinalma ang sarili ko. Dahil sa stress at pressure na nararamdaman ko, kung ano-ano na ang mga naiisip ko.

Nakarinig ako ng mga pagdadabog kaya napalingon ako kay Angela.

"Aalis ako," pahayag niya sa'kin nang hindi lumilingon.

Tinanong ko siya kung saan siya pupunta pero hindi niya na ako sinagot at dere-deretso lang siya sa paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit pero para bang bigla akong kinabahan. Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko. Susundan ko si Angela.

-
Angela's POV

Nang umabot ako sa eskinitang sinabi sa'kin nung Jackson, nagtaka ako dahil wala naman siya do'n. Kanina, tinext niya ako at sinabi sa'kin na may importante raw siyang sasabihin at kailangan raw naming magkita sa lugar na 'to.

Hihintay ko lang si Jackson nang makarinig ako ng sigaw. Napaayos ako ng tayo at sinundan ang ingay na narinig ko. Nang umabot ako sa dulo, nagulat ako sa nakita ko.

Si Jackson, binubugbog si Jimin.

"Jackson, anong ginagawa mo?!" Sigaw ko at pinilit na pigilan siya sa ginagawa niya pero parang wala siyang naririnig.

Nakakaawa na ang kalagayan ni Jimin. Ang dami niyang pasa at dugong lumalabas. Bugbog sarado na siya.

"Jackson, ano ba!"

Tuluyan na siyang tumigil nang itulak ko siya palayo mula kay Jimin. Napatingin siya sa mukha ko at saka kay Jimin at nanlaki ang mga mata niya.

"A-Angela noona.. Hindi ko-"

"Anong nangyayari dito?!" Napalingon ako kay Jodi na bigla nalang dumating. Tinignan niya si Jimin kaya napalingon din ako sa kanya.

Shit, hinimatay siya. Agad na binuhat namin ni Jodi si Jimin at saka dinala sa kotse niya. Nang nasakay na si Jimin sa kotse ni Jodi, pinakiusapan ko siya na pumunta na agad sa ospital at ako na ang bahala kay Jackson.

Nang nakaalis na si Jodi, napatingin ako kay Jackson na nakaupo sa sahig habang nakatulala. May sugat na rin ang mga kamay niya dahil na siguro sa sunod-sunod niyang suntok kay Jimin.

"Bakit mo iyon ginawa?"

Dahan-dahan siyang tumayo at saka hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Hindi mo siya gano'n ka kilala."

Inalis ko ang mga kamay niya at saka lumayo ng konti. "Same goes with you. Hindi rin naman kita gaanong kilala. Now, are you going to tell me your reason or not?"

Nanahimik lang siya kaya napabuntong-hininga nalang ako. Hinawakan ko siya sa kwelyo niya at tinawagan ang police station.

"What are you doing?"

"Tatawagan ko ang mga pulis."

Bigla siyang kumawala at tumakbo ng mabilis. Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko kaya.

Ininform ko na ang mga pulis sa nangyari. After 30 minutes or so, paniguradong may mga lalabas na mga articles tungkol dito.

Hindi ko maintindihan ba't nagawa 'to ni Jackson. Binigyan ko siya ng chance makapag-explain pero wala siyang sinabi. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinapunta sa lugar na 'to at naabutan ko siyang binubugbog si Jimin.

Perhaps.. he's framed?

At sino naman ang gagawa no'n sa kanya? Sino ba ang may galit kay Jackson? O baka naman hindi siya na-frame kundi may galit lang talaga siya kay Jimin?

Sumasakit na ang ulo ko.

Jackson, ano ba talaga?

-
question of the day:
anong tingin niyo? na-frame kaya talaga ang wangkong natin o sadyang wild and sexy lang talaga siya kaya pagdating sa bugbugan, ang wild niya talaga? may nalalaman kaya siya o may kinalaman?

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon