Chapter 33

781 63 85
                                    

Xander's POV

"Mikaela, Jodi, alam niyo ba kung nasaan si Angela? Did she contact you?"

Umiling sila pareho kaya napabuntong-hininga ako. Dahil busy ako sa paggawa ng report, hindi ko na napansin na tatlong oras na palang late si Angela. Hindi pa siya dumadating dito sa office.

"Baka may inasikaso regarding the case?" Tanong naman ni Jodi habang nagtatype.

"Hindi siguro kasi I'm sure she would report to me first before doing anything about the case," sabi ko at saka nilabas ang phone ko mula sa laptop bag.

Shit. Lowbatt pala. Nakalimutan ko 'tong i-charge kagabi kasi natulog ako deretso pagkauwi ko.

Chinarge ko at hinintay ko itong mag-on bago ko tinype ang pangalan ni Angela sa contacts. Sakto namang nag vibrate ang phone ko, indicating na may pumasok na text.

Mula kay Angela. Nagsend siya ng address. Aanuhin ko naman ito? Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot kaya tinext ko nalang siya.

Angela, where are you?

Hindi pa nagdadalawang minuto ay may nareceive na agad akong text.

Angela; 10:34am
May dinaanan lang ako.

You; 10:35am
Saan?

Angela; 10:37am
I may not be able to go to the office this day.

You; 10:39am
What was the address about? Yung sinend mo?

Angela; 10:42am
Wrong send iyon. May aasikasuhin muna ako. Later.

Ano naman kaya ang aasikasuhin niya? I'm a little doubtful of her actions pero pababayaan ko muna siya. After all, she's pretty unstable since yesterday. Baka may mga kinausaplang siya regarding the case.

-

Angela's POV

Nang imulat ko ang mga mata ko, napakasakit  ng ulo. There's a throbbing pain at the back of my head at hahawakan ko  na sana 'to nang napansin kong 'di ko maitaas ang kamay ko.

Nakaupo ako sa upuan at nakagapos ang mga kamay ko.

I closed my eyes and opened it  again to adjust my blurry eyesight. Nang umayos na ang paningin ko,  nilibot ko ang mata ko sa paligid.

Nandito parin ako sa abandoned building kung saan ako pinapunta ni Jimin. Si Jimin...

As if on cue, biglang lumabas si Jimin na may dala-dalang pagkain.

"Jimin.."

"Noona, kumain ka muna. Ilang oras ka nang tulog."

Susubuan niya na sana ako pero iniwas ko ang mukha ko. "Ayokong kumain."

"Noona, kailangan mong kumain. Hindi pwede 'tong ginagawa mo."

Marahas akong napatingin kay Jimin. Bakit niya ba ako pakakainin? Papatayin niya lang naman din ako.

"So ikaw ba ang pinoprotektahan ni Blake, Jimin? Ikaw ba ang pinagtatakpan niya? Ikaw ba ang totoong pumatay sa kapatid ko?"

Napabuntong-hininga siya at saka binaba at  kutsara. "Oo, ako nga ang pumatay sa kapatid mo." Sinasabi ko na nga ba.  Una palang, hindi na talaga maganda ang kutob ko sa kanya. He had the  nerve to accuse me as the killer noong ininterrogate namin siya ni Jodi  when in fact, siya naman talaga ang pumatay. If only I had the evidence.

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon