Chapter 21

45 6 0
                                    

"Amontillado kasi kaya pinapaburan."

"Teacher's pet. Ew."

"Akala ko magaling, ginagamit lang pala ang pangalan."

I stopped putting the T-square on the carry case, along with my drafting tube, to look at some of my blockmates. Nagbubulungan sila... at tungkol na naman sa akin. Pero maco-consider ba iyong pagbulong kung palagi ko namang naririnig?

Kaagad silang tumahimik at tumigil sa pag-uusap. Tapos ay kaagad na isinukbit ang mga bag at drafting tubes bago lumabas, may pabaon pang irap.

I sighed and looked down on the T-square to finally place it on its case. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang makita si Liam. Gusto ko na ng pahinga.

"Vivienne, hanap mo raw ako kanina?"

Dumapo ang paningin ko sa ka-blockmate ko. Pero hindi sila 'yung kanina na puro panghuhusga. Because they're smiling at me. They're friendly to me.

"Ah, yes, wait."

I immediately open my bag to take the Signo white gel pen. Isa na lang iyon na natira sa isang box na ipinamigay ko sa buong klase.

Madalang kaming gumamit no'n kaya hindi sila nagdadala, samantalang ako, palaging may extra. Minsan pa nga ay isang box. So I will share it to them. Ayokong napapagalitan sila kapag 'di sila nakakapaghanda.

"Akin na 'to?" tanong niya, tila namamangha, nang iniabot ko iyon sa kaniya. Ngumiti at tumango ako. "Omg, thank you!"

"Welcome."

"Also, 'yung amin!" sabi pa ng isa kong blockmate habang itinuturo ang ilan pa nilang kasama. "We appreciate it. We super appreciate you!"

"Thank you," nakangiti kong sabi. "Don't forget it again next time. Lagi niyong ilagay sa bag niyo ha?"

Tumango sila tapos ay muling nagpasalamat. So I also say how grateful I am for them. They always lift me up whenever I feel down.

These past few months kasi, napapansin ko iyong hindi magandang mga salitang lumalabas sa bibig ng ilan sa mga blockmate ko. Sometimes, it's getting below the belt na. And it hurts me. Na kahit ginagawa ko lang naman ang best ko, ang passion ko, parang kasalanan kong nagiging maganda ang resulta no'n.

Is it bad to get high grades from all of my hard work?

Is it cruel to be on top after the sleepless nights and breakdowns?

Is it despicable to be kind to others?

Hindi naman ako nagpapakitang-tao katulad ng sinasabi nila sa tuwing gusto kong tulungan ang iba kong mga blockmate. Wala naman akong ibang intensyon kung hindi ang mapadali ang buhay nila.

I want lift others up, especially when no one else, even themselves, does.

As for aiming to the top and getting high grades, especially in Mr. Clavenido's class, I believe that I just did what I need to do. Ibinuhos ko ang atensyon, oras, at lahat sa bawat plates na ginagawa ko bago iyon ipasa. Ni hindi ko gustong makilala ni magpasikat sa mga professor. Ang gusto ko lang naman ay sumaya.

Because that kind of stuff—drawing, sketching, and doing things related to arts, feeds my soul.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit sila.

Kung bakit hinuhusgahan nila ako dahil lang hindi nila natanggap 'yung bagay na natanggap ko.

Kung bakit bina-badmouth nila ako... kahit nasa harap ko lang sila.

Humigpit ang kapit ko sa dalang carry case. Nakayuko ako kaya kitang-kita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko patungo sa mga sapatos ko. Using the back of my hands, I wiped them away. But it's futile. Nagpapatuloy lang ang mga luha sa pag-agos.

Light Up The SkyWhere stories live. Discover now