Chapter 03

219 7 31
                                    

"Vivienne, gising na," rinig kong malambing na pagtawag sa akin habang mahina akong niyuyugyog.

Matapos kusutin ang mga mata, nakita ko kung gaano kalaki ang ngiting ibinungad sa akin ni Ate Nory.

"Kain na. Anong oras na, oh."

She sat at the edge of the bed as she placed the tray full of food above the duvet. I carefully sit and fixed myself as I looked at Pascal beside me. He was sleeping, his head was near where my head was earlier. He really stayed by my side. I smiled as I caressed his fur. I really love him.

"Alam kong nasaktan ka kanina, pero 'wag mo namang pabayaan ang sarili mo."

Muli akong napalingon kay Ate Nory. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko siya maintindihan.

She gave me a sad smile as she held my hand. I squeezed it because she looks sad.

I don't want to see people around me being sad like this because it also saddens me.

"Nag-alala kaming lahat noong makita ka namin kanina pagbukas ng pinto," she muttered softly, concern is evident in her voice. "Nakahiga ka sa sahig, akala namin kung napaano ka na. Akala namin nadulas ka at nabagok ang ulo mo. Akala namin may masama nang nangyari sa 'yo."

"I'm sorry, Ate Nory. I didn't know that I cried to sleep."

"Pinag-alala mo kami."

Niyakap ko siya at muling humingi ng tawad. Hindi ko sila inisip. I was selfish for only caring about my feelings. Sa sobrang lungkot ko kanina, hindi ko na inintindi ang mararamdaman nila.

But I really feel shattered earlier. Kasi pakiramdam ko isa ako sa mga empleyado ni dad na dapat gawin lahat ng iuutos niya.

Hindi naman sa nagrereklamo ako, dahil alam kong obligasyon ko na sundin at igalang ang parents ko sa lahat ng pagkakataon. Ngunit 'yung sitwasyon kanina, tila sinakal ako.

It was draining. It took all of my energy, making me exhausted even though the day wasn't even starting.

"'Wag mo nang uulitin 'yon, Vivienne Gayle!" Ate Nory exclaimed, snapping me out with the unwanted thoughts which are invading my head again.

Napanguso ako. I look at her with soft eyes, still feeling apologetic for being selfish and only caring about myself earlier.

"I won't. I'm sorry. Hindi ko po talaga namalayang nakatulog ako sa floor."

"Mabuti na lang at naobserbahan ni Liam na natutulog ka lang dahil tarantang tumawag ng ambulansya si Manang Terentina!" she suddenly said so I chuckled. They're being paranoid about my health again. "Sinigurado pa niya na ayos ka at walang galos ang katawan noong inangat ka ni Liam. Talagang tiningnan niya ang bawat sulok ng katawan mo."

Makailang beses akong kumurap, pinoproseso ang sinabi niya. "L-Liam carried me?"

"Oo. Kaya nga't nandito ka sa kama ngayon, hindi ba?"

Muli niyang inayos ang tray na puno ng pagkain sa pagitan naming dalawa.

"Kumain ka na. Masamang nalilipasan."

My lips parted as I stare at her. Why did he carry me? Doesn't he get mad at me? Did he forgive me already?

Nang makita ni Ate Nory ang reaksyon ko, pagtataka ang nakasulat sa buong mukha niya. Kaya ikinuwento ko ang lahat ng nangyari kagabi.

Sa kung gaano ako natakot sa aninong bigla na lamang lumitaw, na nagresulta sa isang bagay na labis na mali.

Sa kung paano ako duwag na tumakas pagkatapos kong gumawa ng isang pagkakasala.

Light Up The SkyWhere stories live. Discover now