Chapter Thirty Seven

911 19 0
                                    

Chapter Thirty Seven

Kelly's POV

Fvck! What the hell!? Its too early to disturb me from sleeping. Urgh! D-amn!
Tuloy tuloy pa rin ang pagtunog mg doorbell. Kaya kaahit labag sa loob kong bumangon ay ginawa ko pa rin. Fvck! Dahan dahan akong bumangon at naglakad.

I didn't bother to fix myself and open my eyes. Kabisado ko na ang pasikot sikot sa condo ko kahit nakapikit ako.

Binuksan ko ang pinto sabay sabing...

"What do you want!? Fvck! I'm.... Jacob?" Nanliit ang mga mata ko ng makita ko siya.

Nakakatitig siya sa akin habang naka kunot ang kanyang noo. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Mas lalong nagdikit ang mga labi niya. Hindi ko alam kung inis ba siya.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Mariing sabi niya.

I look at myself and I found out na suot ko pa rin ang damit na suot ko kagabi. Maiksing damit na expose ang mga binti at hita ko.

Isasarado ko na sana ang pinto ng ilagay niya ang isa niyang kamay para pigilan ang pagsarado.

Pilit kong isinasarado pero mas malakas siya kaya wala akong nagawa.

Tinalikuran ko na lang siya. Naiinis pa rin ako sa kanya. Mas nadadagdagan ang inis ko tuwing naiisip ko ang nakita ko kagabi.

Hindi pa ako gaanong nakakalayo ng hawakan niya ng mariin ang mga braso ko at iniharap sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata namin. Mas naniningkit ang mga mata niya dahil sa inis.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa braso. Hindi masakit ang pagkakahawak niya pero ramdam ko ang higpit nito dahil sa inis na nararamdaman niya.

"Bitiwan mo ko." Matigas kong sabi.

"Saan ka nagpunta kagabi?" Matigas niya ring sabi at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Sa bar." Matapang kong sabi.

Inilapit niya ang mukha niya sakin. Naging mas masama pa ang tingin niya.

"Anong ginawa mo sa bar? I told you to stay at home." Inilayo ko ng kaunti ang mukha ko bago magsalita. Masyadong nakakailang ang malapit niyang mukha. Nagbabago na naman ang tibok ng puso ko pero binalewala ko iyon dahil naiinis talaga ako.

"Ano bang ginagawa sa bar? Nagpapakasaya diba?" I smirked.

Inilapit niya pa ang mukha niya kaya nawala ang ngisi ko at nanlaki ang mata. Ramdam ko na magkalapit na ang mga ilong namin. Iniwas ko ang mukha ko para hindi ko siya matitigan.

Ibang kaba na naman ang nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa aking pisngi dahil sa pagbuntong hininga niya.

"Bakit ba kasi lumabas ka pa? Paano kung may nangyari sayo? Alam mo namang hindi mo ko kasama." Mahinahon at may paglalambing niyang sabi. I ignored it.

May namuo na naman inis sa akin. Iyon na nga e! Hindi ko siya kasama dahil mas pinili niyang samahan ang impaktang yon. Alam niyang I hate that girl!

Bahagya ko siyang tinulak para makalayo ako kahit papaano at nagtagumpay naman ako.

"You want me to stay at home while you are with that girl! And you leave me because of that girl! Makikita ko pa kayo sa bar! Akala ko ba ihahatid mo lang siya?! Bakit naabutan ko pa kayo sa bar?!" Itinutulak ko siya sa may dibdib habang nagsasalita.
"D-amn! Sinong matutuwa?!" I yelled. Lahat ng inis ko sa kanya ay ibinuhos ko sa mga sinabi ko.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now