Chapter One

4.1K 84 1
                                    

Kelly's POV

Nandito ako ngayon sa sementeryo. Nandito kasi ang bestfriend ko.
Masakit mang isipin, nandito ko kasi kailangan ko ng magpaalam sa kanya sa huling pagkakataon. We ar going to say our last good byes for her.

Hindi ko mapigilang hindi lumuha. Palagi naman. Simula ng NAGPAKAMATAY siya hindi na natigil ang pag-iyak ko.Hindi naman talaga ako iyakin pero ng dahil sa nangyari sa bestfriend ko hindi ko  na mapigilan ang pag-iyak.

Nakakainis lang , hindi maubos-ubos ang luha ko.

"Iha anak hindi ka pa ba aalis." Hindi ko namalayan ang paglapit ni Tita Agnes, ina ni Angel (bestfriend ko). Tinuring na rin nila akong anak. Palagi kasi akong nasa kanila.

"Mamaya pa po ko aalis Tita. Gusto ko pa po makasama ang bestfriend ko."

"Sigurado ka ba Anak? 4 PM na." Kita ko yong pag-aalala sa mata niya. Kaya mahal na mahal ko yang si tita.

Sila na ni tito ang tinuring kong mga magulang simula ng maghiwalay si Mama at Papa.

May bago na kasing pamilya ang mga magulang ko.

Hindi nila ko pinababayan sa financial. Parang iyon lang ang responsibilidad nila sa akin.

Masakit sa una pero nasanay na rin. Ayaw kong ipilit sa kanila ang sarili ko. Alam kong kaya ko kasi andyan naman yong bestfriend ko.

Pero ngayon wala na siya.... Hindi ko na alam kung anong gagawin.... Nawalan ng direksyon ang buhay ko.

Naiiyak na naman ako. Ramdam ko na naman ang maiinit na likido na sa isang kurap ko lang ay babagsak na naman.

Bigla kong niyakap ni tita. Napaluha na talaga ako ng tuluyan. Ang sakit kasi. Bakit kasi ang daya? Ang daya daya!

"Anak, wag kana umiyak hindi ata kita maiiwan dito."

Kumalas siya sa pagkakayakap pagkatapos niya sabihin iyon.

Pinunasan ko yung luha ko.

"Pasensya na po Tita. May naalala lang po ako. Pwede na po kayong umuwi." Sabi ko. Ayaw ko ng makita nilang ganito dahil hindi naman talaga ako ito. Hindi ako mahina.

"Pero---" Tita.

"Tita okay lang talaga ko. Kaya sige na po.Ayan na po si Tito oh sinusundo na kayo" Tinuro ko si Tito tapos ngumiti ako. Kailangan kong magpakatatag.

Maya-maya nakalapit na si Tito.

"Anak, Kelly una na kami. Pasensya na.Wala pa kasing pahinga ang isang ito.Basta welcome ka sa bahay kung kailan mo man gusto pumunta." Nginitian nila kong dalawa. Ang bait talaga nila. Sana sila na lang ang naging magulang ko.

"Okay lang po tito, tita. Sige po pupunta pa rin po ako sa inyo."

Nagbabay na ko sa kanila.

Pagkaalis nila tiningnan ko ang lapida ng bestfriend ko. Wala na talaga siya....

Heto na naman ang luha ko. Nag uunahan sa pagtulo.

"Bakit kailangan mo pang mawala?" Panimula ko.

"Ang daya-daya mo! Akala ko walang iwanan. E ano ito? Bakit mag-isa ako? Alam mo bang ang sakit sakit. Wala na yong taong laging nandyan para tulungan ako. Yong taong hindi nagpaparamdam sa akin na mag-isa ako. Yong taong malaki ang tiwala sa akin. Yong taong alam kong hindi ako lolokohin, sasaktan, kasi siya lang iyong nagmahal sa akin. Alam mo bang ikaw iyon?

Nakaka-inis ka! Nawala ka lang dahil sa isang walang kwentang lalaki. Okay kana sana bestfriend TANGA ka lang sa pag-ibig. Oh ano!? Magpapacute ka nanaman kasi tama ako." Naiimagine ko yong mukha niya kapag pinapagalitan ko siya.

" Galit na galit ako sa lalaking kinababaliwan mo. Sinabi ko na sayo walang maidudulot na maganda sayo ang lalaking iyon. Tingnan mo nangyari sayo! Wala kana! Wala na akong bestfriend. Wala na yong kapatid ko."

Pagkatapos lahat ng sinabi ko napahagulgol na lang ako. Ang sakit sakit talaga.

Hindi ko matanggap! Sana isang masamang panaginip na lang ang lahat ng ito. Sanaaaa..

Umiyak na lang ako ng umiyak.

Napatigil na ko sa pag-iyak pagtingin ko sa kalangitan. Madilim na pala. Matagal na pala akong nakatitig sa kawalan habang lumuluha.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa damuhan. Oras na para umalis.

"Bestfriend Angel, aalis muna ko gabi na e. Hayaan mo madalas kitang dadalawin dito. Ingat ka dito ha! Good night na din." Pagkasabi ko noon umalis na ko.

----

Andito na ako ngayon sa kwarto ko. Iniisip ko pa rin si Angel. Hindi ako makapaniwala. Parang kailan lang kasama ko siya.

Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking yon. Ang dahilan ng pagkamatay mg beatfriend ko. Gigil na naitikom ko ang mga kamao ko.

Napakasama niya. Hindi man lang siya pumunta sa libing. Hindi man lang siya pumunta.

Pero tama na rin sigurong hindi siya nagpakita dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring magawa ko sa kanya.

Naaawa ako sa bestfriend ko kasi siya ang pinaka naagrabyado at nasaktan.

Hindi pwede iyon! Siya na nga iyong mabait siya pa ang niloko.

Dapat yong katulad ng lalaking iyon ang nasasktan ang nagdurusa.

TAMA! kelangan niyang magbayad sa lahat-lahat ng ginawa niya.

Pero paano...

Paano kung ako ang gumawa ng paraan para magdusa siya maramdaman niya kung paano mawalan at masaktan.

Tama!! A revenge for my bestfriend.

Habang nakahiga ako sa kama pinag-iisipan ko ang mga pwede ko gawin para sa paghihiganti ko sa lalaking iyon. Galit na galit ako. Isang kamuhi-muhing lalaki. Wala siyang karapatang sumaya! Magdudusa siya ipinapangako ko.

Hindi ko namalayan nakatulugan ko na ang pag-iisip sa bagay na iyon.

Kinabukasan pinuntahan ko ulit ang bestfriend ko.

Pagkatapos kong maipatong ang bulaklak na dala ko umupo ako sa damuhan.

"Angel, may dala kong bulaklak. Kamusta kana? Hindi kaba nabobore dito? Kasi ako boring na boring na. Wala na kasi akong makausap at makasama." Natahimik ako ng ilang sandali.

Naalala ko ung ipinunta ko dito.

"Bestfriend, may sasabihin pala ko sayo..." Matagal bago ulit ako nakapagsalita

Naging seryoso ako sa pagkakataong ito.

" Gusto kong ipaghiganti kita. Gusto ko na magdusa siya sa ginawa niya sayo. Ang lalaking iyon, ang lalaking nanakit sayo at kung bakit nandyan ka ngayon.

Alam kong ayaw mo sa gagawin ko kasi mabait ka , bagay na bagay sayo ang pangalan mo. Pero desidido na ko dito. Pinag-iisipan ko na ang gagawin ko sa kanya at sisigiraduhin kong magtatagumpay ako." Isang ngisi ang pinakawalan ko.

"Sana maintindihan mo kung bakit ko ito gagawin. Sige, bestfriend alis muna ko kailangan ko ng magtrabaho. Madami akong naiwan na dapat asiksuhin. Pumunta lang ako dito para sabihin sayo ang binabalak ko. Ingat ka dito."

Tumayo na ko at umalis na kailangan ko muna pala isipin ang naiwan kong trabaho..

And Im Kelly Jene Park ang magpapabagsak sa lalaking iyon. >:)

Don't forget this name.

-----

EDITED!

IrisMossis

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now