Chapter Twenty Six

1K 22 0
                                    

Chapter Twenty Six

Remy's POV

"WELCOME BACK, ELLY!" Malakas na  sigaw ko ng makita ko si Elly with matching taas kamay pa. Andito ako sa kwarto niya. Dito muna ko tumuloy.


Nagulat naman siya ng makita ko. As in gulat na gulat. Nanlaki ung mata niya. Nagulat ako ng lapitan niya ko. As in ang lapit lapit. May masama ba kong  ginawa? Winelcome ko na nga siya e. Huhuhu. Bad Elly. Bad!

"What are you doing here?" Inis na inis na sabi niya.

"Winewelcome ka? Heheh." Malapit na ko matumba dahil ang lapit lapit ng mukha niya. Konting push na lang mapapahiga na ko. Nakakangalay kaya!

"Paano ka nakapasok?" Inilayo ko muna ang  mukha niya bago ako sumagot.


"I know your password, remember?" Napatampal naman siya sa noo niya. Narealize niya ata na may pagkatanga rin siya.

"I know pero baka-----."

"Love, can I come in?"

Parehong nanlaki ang mata naming dalawa.

Nagulat ako kasi Love tawag niya kay Elly. Pfft. Corne. Hahaha.

"Remy, Hide!" Tiningnan ko naman siya na parang may malaking question mark sa ulo ko.

"Magtago ka!" Pabulong na sigaw niya. Ngayon ko lang  narealize ang nangyayari.

"Wait lang!" Sigaw ni Elly ng kumatok si Papa Jacob.

Parang si Flash na pumasok ako sa banyo. Huhuhu. May pinagtataguan na naman ako. Sana di ako mabisto ni Papa Jacob. For sure, masasapak na ang beautiful face ko. I don't want it to happened.


Kelly's POV

"What took you so long?" Bungad agad sakin ni Jacob.

"Uhh. Galing ako sa cr." Palusot ko.

Pumasok naman siya sa kwarto ko. Napataas ang kilay ko. Hindi ko pa siya pinapapasok.

Inikot niya ang paningin niya para obserbahan ang kwarto ko. Lumakad lakad siya at huminto sa harapan ng pinto ng banyo. Oh no!

Mabilis ko siyang pinigilan sa pagpihit ng doorknob.

Nakakunot ang noong tiningnan niya  ko.

"Why?"  Fvck! Bakit ba ko nasa ganitong sitwasyon?

"Uh. Madumi."

"And so, I just want to check it."

"Next  time na lang. Madumi talaga." Hinarang ko ang sarili ko para hindi na niya mabuksan ang pinto.

Naka-kunot na ang noo niya habang titig na titig sakin. Parang sinusukat kung may itinatago ba ko.

Napahawak ako sa ulo ko. Bigla kasing sumakit ang ulo ko.

"What happened, Love?". Sa lahat ng endearment yun pa pinili niya. Just urgh!


"Sumakit lang ang ulo ko."

Inalalayan niya ko hanggang maka-upo sa kama. Ano ako lumpo?

"Do you need anything?"

"Water. Please."


"Okay, just wait here." Mabilis  naman siyang kumilos papunta sa labas.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now