Chapter Forty Five

1.3K 20 0
                                    

Chapter Forty Five

Kelly's POV

"Thanks, Remy." Masaya kong sabi ng ibigay niya sa akin ang mga pinabili ko.

"Psh! You're welcome. Kung hindi ka lang talaga naku!" Tinawanan ko lang siya.

Masama bang magpabili ng spaghetti, carbonara and ube ice cream. I'm craving for it. Masama bang kumain.

Inayos ko naman ito at nilagay sa kanya-kanyang lalagyan. Kumuha rin ako ng ilang scoop ng ube ice cream.

Sumunod naman siya sa akin sa dining area.

"Do you want?" Pag-aaya ko sa kanya.

"No thanks." Nakangiwing saad niya.

What's the problem? I mixed the ube ice cream with the carbonara. Ang sarap kaya. Try niyo rin minsan.

"Ang arte." Sabi ko sabay subo. Mas lalo siyang napangiwi. Inirapan ko lang naman siya.

"Umuwi kana nga kung ganyang pagmumukha lang ang ipapakita mo sa akin."

"Sungit naman ng buntis na 'to." Inirapan niya naman ako. Kung makikita lang siya ng asawa niya na umiirap ng ganyan. Nasapak na siguro siya.

You read it right. I'm pregnant. Three months na rin. And I'm happy I'm going to have a baby.

"Sana isinama mo ang asawa mo. Tingnan natin kung makaganyan ka pa." I smirked.

"Kaya nga hindi ko sinama. Just eww, Elly." Hanggang ngayon bakla pa rin talaga. Kawawa naman ang asawa nito. Mas babae pa sa kanya ang mister niya.

Nagpatuloy lang naman ako sa pagkain habang nagkukwentuhan kami ni Remy.

"One month na lang manganganak na siya." Kwento ni Remy.

"Maging Daddy kana pala." Malawak naman siyang napa-ngiti ng banggitin ko na magiging Daddy na siya. Atleast he's accepting the fact that he's going to be a daddy.

"Im exc---." Hindi na naituloy ni Remy ang sasabihin niya ng may magdoorbell.

Tumayo naman ako at sinenyasan si Remy na ako na ang magbubukas.

Mukhang siya na ang dumating.

Pagbukas ko ng pinto ay lumawak ang ngiti ko. Nginitian rin niya ko at niyakap ng mahigpit. I think he missed me a lot.

"Grabe magyakapan!" Kumalas naman ako ng yakap ng marinig ko ang boses ni Remy sa likod. Sumunod pala ang bruha.

"Pasok ka." I said.

"Wait. May kasama pala ako. Ipinakita naman niya kung sino ang nasa likuran niya."

"Surprise!" They said in chorus. It's Mama and my little sis, Andrea.

Ngumiti ako at niyakap sila pareho.

"Kahapon lang nandito kayo." Masayang sabi ko kay Mama at Andrea.

"Masama ba, Ate?" Naka-ngusong sabi niya. I pinched Andrea's left cheek. Nanggigil talaga ako sa kanya.

"Ouch, Ate." Nakapout pa rin na tiningnan niya ko. Kaya hindi ko na pigilan na kurutin ang magkabilang pisngi niya.

"Tama na yan mga anak. Pumasok na tayo sa loob." Sumangayon naman kami at dumiretso kami sa dining area.

"Ate, what is this?" Tinuro ni Andrea iyong carbonara with ube ice cream na kanina ko pa nilalantakan.

"Its my food." Umupo ako sa harapan ng pagkain ko.

"Is this healthy for you, Ate?"

"Hmm. Oo naman." Tumigil naman siya katatanong.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang