Chapter Sixteen

1.4K 26 5
                                    

Chapter Sixteen

Kelly's POV

I prepared myself. Pupunta ko ngayon sa Veranda's Company. Why? Hmm. You'll find out in a minute.

Nasa parking lot na ko ng makita ko si Remy. Mabilis siyang lumapit sa akin.

"Where are you going? Pupunta ka ba ng office?"

"Nah. I have an appointment at Veranda's Company."

"V-veranda's Company? T-The most s-succe---."


"Stop being overacting. Nakaka irita." Ang OA niya kasi. May patakip takip pa ng bibig na nalalaman.

"Can I come with you?" Excited na sabi niya

"No."

"Why? Please. I want to see their building. Kahit sa may lobby lang ako. I'll drive your car para hindi ka na mapagod." Naka-nguso na sabi niya. Ano siya bata? Teenager?. Sabagay tinatamad ako magdrive. Magkakaroon ako ng instant driver.

"

"Fine. Ikaw ang driver ko ngayon." I smirked. Pang-aasar ko sa kanya.

"Whatever. Basta sasama ko." Mabilis siyang pumunta sa driver seat. Sumunod na lang ako umupo sa front seat.

Excited naman siyang nagdrive. Ano namang mapapala niya kung makikita niya ang building ng pinaka successful na company sa Asia na madami ng branch sa maraming bansa? Well, it's really a big achievement. Kaya nga I'm very thankful because they give me an opportunity to meet the CEO. Nagrequest ako ng appointment at pinaunlakan naman nila. I want to invest a big account to their company. Hindi rin naman papahuli ang company ko. Madami na ring achievements ang natanggap ng business ko hindi nga lang papantay o hihigit sa mga Verandas.

And hindi maikakaila na successful na si Jacob dahil sa pinapasukan niyang kompanya. Napag alaman ko rin sa source ko na maganda ang progress ng hinahawakan niyang branch kaya napaka laki ng possibility na hindi siya maaaring matanggal sa trabaho.

"Elly, where here?" Napatingin ako kay Remy na ngayon ay hininto na ang sasakyan ko sa isang parking lot.

"Lagi ka na lang tulala simula ng bumalik ka dito sa Pilipinas." Bigla niyang nasabi.

"I'm not." Timing lang siguro na siya ang kasama ko tuwing may mga iniisip ako.

"You are. Hindi naman sa nakikialam ko Elly. Ang alam ko dito sa company na 'to nagtatrabaho si Jacob. Ano na naman ang balak mo?" Seryoso niyang sabi at matang tiningnan ako. He's waiting for my answer.

" I have many plans, Remy. Isa lang 'to sa mga dapat ko pang gawin. This is the way I planned my revenge. Ginagawa ko lang." Hindi ko rin siya nilubayan ng tingin. Kita ko ang pagka-disgusto niya sa mga ginagawa ko.

"Ayaw kong ikaw ang masaktan sa huli." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya at hindi mapigilang mapatawa. Umiling iling pa ko na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Hindi naman kasi kapani-paniwala.

"Nagpapatawa kaba, Remy? Hindi ako ang masasaktan. Sila ang masasaktan. Iyan ang tandaan mo. I'm doing this for my bestfriend which is my happiness at sila ang dahilan kaya nawala ang happiness na yon."

"I'm warning you. Kung ayaw mong maniwala fine. Alam ko darating ang araw na sasabihin mong tama ako. Tama lahat ng sinabi ko."

Ayaw ko ng pag-usapan to. Hindi lang kami nagkakaintindihan.

"Whatever, Remy. I need to go. Baka malate ako sa appointment ko with the CEO. Hintayin mo na lang ako. Pwede ka naman sigurong magala gala diyan sa tabi tabi. Mukha ka namang matino." May pagbibiro ko pang sabi.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now