Chapter Twenty Seven

1K 22 0
                                    

Chapter Twenty Seven

Kelly's POV

Lumiko kami sa isang daan na malubak. Lupa lang at hindi nakasemento ang daanan. Sa gilid nito ay may sign board na may nakasulat na...

"Sitio Labreda." Basa ko.

"Yup, dito ako lumaki at nagbinata sa lugar na 'to." Napatingin naman ako sa kanya.

Naramdaman ko na ang pagyugyog namin dahil sa hindi patag na daan na tinatahak namin.

Hindi ko lang masabi sa kanya na nakakahilo baka maoffend pa siya.

Kailan ka pa naging concern sa mararamdaman ng iba?

May isang himig ang bigla kong narinig. Kailan nga ba ko naging concern? Natigilan ako. ... W-whatever.

"We're here.Pasensya kana sa daan papunta samin. Liblib na baryo kasi ito." Paliwanag niya habang itinitigil ang kanyang sasakyan.

Hindi ko na siya nasagot dahil natuon ang pansin ko sa paligid sa labas ng sasakyan. Maraming puno na iba't ibang klase. Mga tao na naglalakad sa gilid ng daan. Ang iba ay nakasakay sa kalabaw. Sa tuwing mapapadaan sila sa nakaparadang sasakyan ni Jacob ay hindi maiwasang bigyan ito ng mapanuring tingin. Kitang kita ko yon habang nandito ko sa loob ng sasakyan.

"Labas na tayo. Mamaya ipapasyal kita. Mukhang ngayon ka lang nakapunta sa ganitong lugar."

"Yup. Bakit walang masyadong bahay?" Isa rin sa napuna ko sa lugar nila.

"Ganito talaga dito. Magkakalayo ang mga bahay." Tumango na lang ako.

I opened the door and stepped outside the car. Biglang nagtinginan sakin ang mga dumadaan. Nakita ko ang mapanuri nilang tingin mula ulo hanggang sa paa ko.

Napatingin tuloy ako sa sarili ko. I'm wearing a fitted pink lacey blouse pairing a white shorts and of course I'm wearing a black elegant six inches heels.

And I realized ibang iba ang pananamit nila. The men are wearing pants and a shirt with a long sleeve. They have a weird cap na nakikita ko lang na isinusuot ng isang farmer while women are wearing a T-shirt and a long skirt. May mga dala naman silang weird bags.

"Kamusta, Mang Caloy!?" Nawala ang atensyon ko sa mga taong nakatingin sakin. Mukhang ganoon rin naman sila. Natuon ang pansin namin kay Jacob na mukhang kinuha ang mga gamit namin. Pero mukhang gamit ko lang talaga ang kinuha niya. Wala kasi siyang kadala dala papunta dito. Obviously, bahay niya to kaya siguro naman may mga gamit siya dito.

"Oh, Maco ikaw pala yan! Aba't napasyal ka. Mukhang may dala kang gamit ngayon. Dito kana ba mamamalagi?"

Tumawa lamang si Jacob este Maco? Mukhang iyon ang tawag sa kanya dito. A weird name, right?

"Hindi ho. Magbabakasyon lang. Alam niyo namang ganitong buwan nauwi ako rito." Paliwanag naman ni Jacob.

"Sya ganoon ba at mukhang may kasama kapa?" Pasimpleng tumingin naman sakin ang tinawag ni Jacob na Mang Caloy.

Napatingin naman sakin si Jacob na mukhang ngayon lang ako naalala. Masyado atang na'excite.

"Oho, eto nga pala ang aking kasintahan." Hinila niya ako at inakbayan

"Aba'y magaling kang pumili. Pagkagandang babae naman ng kasintahan mo." Nginitian ko na lang si Mang Caloy. Tumawa naman si Jacob.

"Love, eto nga pala si Mang Caloy matalik na kaibigan ng Papa ko."

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें